• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler finally checks in an alcohol rehabilitation center

Baron Geisler finally checks in an alcohol rehabilitation center

The controversial actor plans to spend his time in rehab painting and plans to put up an exhibit when he is well.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/30/2011 8:58 PM
Baron Geisler finally checks in an alcohol rehabilitation center


Kinumpirma ng The Buzz nitong Linggo na noong January 29, Sabado, ay pumasok na ng isang alcohol rehabilitation center ang controversial actor na si Baron Geisler. Inaasahang mananatili ang aktor sa nasabing rehab facility sa loob ng tatlong buwan.

Sa kaganapang ito, inaasahang matitigil na ang pang-iintriga sa aktor na diumano'rsquo;y hindi naman seryoso sa plano niyang pagpapa-rehab. Noong Enero 25 kasi nakatakda sanang pumasok si Baron subalit hindi ito natuloy. Dahil sa nangyaring ito ay marami ang nagkwestyon sa intensyong gustong matanggal ni Baron ang problema niya sa pag-inom ng alak.

Noong Enero 28 naman nagkaroon ng medical check-up si Baron na isang requirement bago dumiretso sa rehab center. Doon din na-interview ang aktor at nagpaliwanag na hindi basta-basta puwedeng pumasok sa rehab. "Naba-bother din po kami sa bahay eh, ginugulo kami, punupuntahan kami parang ang dating 'lsquo;hoy, hoy baka sinungaling (ka) puro salita lang 'rsquo;yan (na gusto mong gumaling),'rsquo;" kuwento ni Baron.

Bukod sa maraming dapat asikasuhin, pinayuhan din daw siya ng doktor niya na pumili ng rehabilitation facility na aakma sa kanyang pangangailangan. Kuwento pa ni Baron, hindi rin daw simple ang pagpapa-rehab niya dahil may ilang alituntunin na kailangan niyang sundin kagaya ng bawal tumanggap ng bisita sa unang buwan, monitored ang mga panonooring programa sa TV at music, at bawal ang manigarilyo. "Mahirap 'lsquo;yon ang akala ko alak lang, pati pala smoking." Kaya binabalak na lang ni Baron na magpinta at nagbabalak na ilabas at i-exhibit ang kanyang mga matatapos na gawa pag natapos na ang tatlong buwan niya roon.