Sexy actress, feeling soap opera princess na?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

1/3/2011 6:02 PM
Sexy actress, feeling soap opera princess na?


Kung kayo ang tatanungin, sino-sino lang ba ang pwedeng tawaging teleserye princesses ngayon? For sure hindi mapapasama sa listahan niyo ang sexy actress na subject ng ating blind item ngayon. Pero bago ang lahat, linawin lang natin, tunay na mahusay si sexy actress umarte. As in, isa sa pinaka-mahuhusay ngayon. Kaya lang, sexy actress nga siya di ba, hindi na bagay magpa-tweetums.'lt;p'gt;

'nbsp;

Sa isang project daw kasi, tumanggi ang sexy actress na ito nang malamang "sexy project" ang gagawin niya. Parang ang type raw kasi nito, eh mala-teleserye princess ang dating niya. So ang ending, hindi na itinuloy ang project. Ang nakakaloka lang ngayon, si sexy actress pa ang galit at puro emote dahil wala raw siyang project. Hala. Eh kung tutuusin naman, isa siya sa pinaka-visible actresses ngayon dahil sa pag-aalaga naman sa kanya ng kanilang talent management.