• Home
  • Fresh Scoops
  • Ai Ai delas Alas: Kahit may pambili ako, ayoko ang bumibili ng award

Ai Ai delas Alas: Kahit may pambili ako, ayoko ang bumibili ng award

The Comedy Concert Queen says she is deserving of her acting award because it is not easy to make people laugh and cry at the same time.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/3/2011 9:19 AM
Ai Ai delas Alas: Kahit may pambili ako, ayoko ang bumibili ng award


Pinanindigan ni Ai Ai delas Alas na deserve niya ang Best Actress trophy sa katatapos na Metro Manila Film Festival Awards night noong December 26. Naging kontrobesyal kasi ang pagkakapanalo ng award ni Ai Ai dahil sa mga isyung binili umano niya ang award. "Kahit loka-loka naman ako, in fairness naman sa akin napanood ko naman 'lsquo;yung mga movies and alam ko dun naman sa Tanging Ina 3, magaling naman talaga ko don," aniya. 'nbsp;
'nbsp;
"Kahit naman may pambili ako, ayoko naman bumibili ng award, masama 'lsquo;yon. Tsaka unang-una bakit ko po bibilhin 'lsquo;yon eh libre naman kasi ginawa ko 'lsquo;yung maganda dun sa Tanging Ina," depensa pa ni Ai Ai. Dagdag pa niya hindi rin madali ang ginawa niyang pag-arte lalo pa'rsquo;t pinagsamang drama at comedy ang acting niya. 'nbsp;
'nbsp;
"Meron pa silang intriga na alam ko daw na nanalo ako kasi sinabi ko sa speech ko, 'lsquo;Sabi ko kay Ma'rsquo;am Charo (Santos-Concio, ABS-CBN president), thank you po dahil sinabi n'rsquo;yo nanalo ako,'rsquo;" paliwanag ng Comedy Concert Queen. "Ang text po ni Ma'rsquo;am Charo, ay english sabi niya parang in our hearts or para sa amin whatever happens ikaw ang panalo."
'nbsp;
"Sanay ako sa mga Inglisan. Kaso sa mga ganong pagkakataon (acceptance speech) tina-translate ko sa Tagalog, sa isip ko ang lumabas kung ano-ano na lang. Ang dami kong pasasalamatan na hindi ko napasalamatan na nagmukha na parang sinabi ko na sinabi ni Ma'rsquo;am Charo na ako ang nanalo kasi sabi ko, 'lsquo;Sabi nga po ni Ma'rsquo;am Charo ako po ang nanalo.'rsquo; Ang ibig sabihin no'rsquo;n sa amin, sa puso namin ikaw ang panalo. Mali po 'lsquo;yung translation dahil 'lsquo;yung tina-translate ko sa English 'lsquo;yung Tagalog sa isip ko lang," paliwanag ng Tanging Ina star.
'nbsp;
Ipinaliwanag din ni Ai Ai kung bakit espesyal sa kanya ang award na ito kahit na nanalo na siya ng acting awards in the past. "Kasi first time na isang babaeng komedyante na manalo sa Metro Manila Film Fest."