Is Sam Milby dating Andi Manzano?

Could Sam be possibly moving on from Marie Digby and is now seeing radio jock Andi Manzano?

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/28/2011 3:33 PM
Is Sam Milby dating Andi Manzano?


Last year ay napabalitang niligawan ni Sam Milby ang international acoustic sensation na si Marie Digby, hanggang sa kinumpirma ni Sam na napag-desisyunan na raw nila ni Marie'nbsp; na mas mabuting maging friends na lang daw silang dalawa. Mula noon ay pansamantalang nanahimik ang love life ng binata at nag-focus na lang si Sam sa kanyang mga projects.

Recently ay na-link si Sam sa DJ (disc jockey) na si Andi Manzano. May mga nakakita raw kasi sa dalawa na sweet na nagde-date sa isang bar. "Andi and I are not dating. We only have common friends, same group of friends," paglilinaw ni Sam.

Si Andi na kaya ang bagong babaeng ipapalit ni Sam kay Marie sa kanyang puso? "Hindi naman kami naging kami ni Marie. Possibly it could happen but we'rsquo;re friends. Sometimes when we hang out it'rsquo;s always with a common friend," dagdag pa ng aktor. Madalas daw nagkakasama sina Andi at Sam dahil sa kanilang trabaho.

Nag-react na rin ang ex-girlfriend ni Sam na si Anne Curtis sa isyung panliligaw diumano ng aktor kay Andi. "Walang issue, if he happens to be courting someone I'rsquo;ll be more than happy," maikling pahayag ni Anne.