Precious Lara Quigaman admits engagement to Marco Alcaraz

The beauty queen-actress denies she and Marco got married in Canada.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/28/2011 7:20 AM
Precious Lara Quigaman admits engagement to Marco Alcaraz


Kamakailan ay napabalitang nagpakasal na raw sa ibang bansa ang beauty queen-actress na si Precious Lara Quigaman kay Marco Alcaraz na matagal-tagal na rin niyang boyfriend. Sa Canada kasi nag-Christmas at New Year ang dalawa kaya may lumabas na isyung nagpakasal na ang dalawa roon.

Kasama si Lara sa pinakabagong teleserye ng Kapamilya network, ang Mutya. Magsisimula nang ipalabas ang nasabing serye sa January 31 pagkatapos ng Noah. Inamin ni Lara na engaged pa lamang daw sila ni Marco at next year pa nila planong magpakasal. Ibinigay daw ni Marco ang engagement ring bago pa sila pumunta sa Canada last December.

Proud na proud na ipinakita ni Lara sa amin ang kanyang diamond ring. Bigay daw sa kanya iyon ng kanyang pinakamamahal. "Alam niya talaga gusto ko katulad ng kay Sarah Jessica Parker sa Sex In The City. Gusto ko ng black diamond so I think pinagaya niya pero definitely hindi kasing laki ng carat nun," kwento ni Lara.

Paano kaya ang naging proposal ni Marco kay Lara? "Hindi siya nagpadala ng helicopter at nagpahulog ng marry me. Hindi rin siya sa isang fancy restaurant. Ang pagde-decide namin na magpakasal was mutual. Tinatanong niya ako very casually ng walang ring tapos habang tumatagal nag-decide kami. When we were in Canada na nandoon din family niya, parang nagkaroon lang kami ng formal na proposal in front of them, pamamanhikan," dagdag pa ng beauty queen.

Isang beach wedding daw ang pina-plano nina Lara at Marco next year. Masayang-masaya rin daw ang aktres na si Marco ang kanyang makakatuluyan. "Alam n'rsquo;yo mas masuwerte ako. Akala n'rsquo;yo masuwerte siya pero si Marco kasi para siyang papa ko na kahit anong away ko sa kanya ay 'di ako pinapatulan. Siya pa ang naglalambing, siya pa ang nagso-sorry and para sa babae yun ang hinahanap namin na kami yung alagaan, na kami yung lambingin," pagtatapos ng aktres.