• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu speaks up about the rumored rift between Erich Gonzales and Empress

Kim Chiu speaks up about the rumored rift between Erich Gonzales and Empress

Kim Chiu insists that there's no animosity among her 'Chiurigogobaschu' friends.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

1/28/2011 7:35 AM
Kim Chiu speaks up about the rumored rift between Erich Gonzales and Empress


Nagbigay na ng pahayag si Kim Chiu tungkol sa 'lsquo;di matapos-tapos na intriga tungkol sa kanyang original barkada na Chiurigogobaschu. May mga nagsasabi kasi na hindi nagpapansinan lately sina Erich Gonzales at Empress kahit na five times a week silang nagkakatrabaho sa Shoutout, isang teen-oriented show ng ABS-CBN. Pero sa pagkakaalam daw ni Kim ay wala namang iringan sa pagitan ni Erich at Empress. "Lagi na lang. Kung hindi kami ni Erich [ang magkaaway], si Empress at Erich naman. Ano ba talaga Erich? Wala talaga. As in, sobrang nagkita kami nung birthday ni Mel (Melissa Ricks). So yun, masaya naman."

Noon pa ay meron na ring issue na medyo nagtatampo ang ilang Chiurigogobaschu kay Kim dahil napapalapit ang huli kay Maja Salvador, na may sarili ding group of friends na tinawag naman nilang Tugs Tugs. Pero hindi naman daw ito big deal dahil pare-pareho namang silang Star Magic artists kaya kahit sino pwede naman maging close friends. "Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling ang intriga. Ewan ko, hindi naman namin iniisip yun." Baka naman nagpapatalbugan sila pagdating sa kanilang respective projects sa ABS-CBN? "Sa aling paraan? Wala namang ganun."

Sa kabila ng kanilang busy schedules ay may oras pa rin naman daw silang lumabas at mamasyal bilang barkada. "Hindi nga lang kumpleto kasi siyempre kung hihintayin naman namin na lahat makasama, e matatagalan talaga bago kami magkita. Kasi siyempre meron at merong isa na hindi makakasama dahil may trabaho. Pero I'rsquo;m sure, soon lahat kami magkikita-kita din."