Anne Curtis leaving for Korea to shoot Green Rose

The actress is very excited to be part of the Philippine remake of the hit Korean drama.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/27/2011 3:38 PM
Anne Curtis leaving for Korea to shoot Green Rose


Malapit na nating mapanood sa Primetime ang pinaka-aabangang Pinoy version ng Koreanovelang Green Rose na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Jericho Rosales and Jake Cuenca. Engrande ang nasabing serye dahil sa Korea pa mismo kukunan ang ilang mahahalagang eksena.

Nauna nang pumunta sa Korea si Jericho para kunan ang mga eksena niya. Sa Sabado ay nakatakda namang sumunod si Anne doon para kunan ang mga scenes niya with Echo. "Of course kukunan namin ang mga Korea scenes namin which is of course major part ng story ni Echo yung Korea side. I'rsquo;m there for three days," pahayag ni Anne.

Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na raw ng aktres ang extreme cold weather na dadatnan niya sa Korea. "We'rsquo;re all very excited especially sobrang lamig daw ngayon doon. Nag-text na si Echo na bring earmuffs, bring gloves, mga tipong Northface na jacket kasi super lamig daw," dagdag pa ni Anne.

Masayang-masaya si Anne na naging part siya ng serye dahil magaling daw ang buong production team. Matagal-tagal na rin daw nila itong pinaghandaan para maging mas maganda ang kalalabasan ng kanilang programa. "We'rsquo;re really happy na they took time with the teleserye talaga. It'rsquo;s all been shot in advance before the airing which is in February na, so we'rsquo;re all very excited talaga. You can tell by the shots by the production. They'rsquo;re all tutok to make this one of the best teleseryes of 2011," kuwento pa ng aktres.