• Home
  • Fresh Scoops
  • Vhong Navarro is now more open to talking about his kids and new girlfriend after his annulment

Vhong Navarro is now more open to talking about his kids and new girlfriend after his annulment

Vhong Navarro says he wants his two kids to finish their education first before entering show business.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/26/2011 6:18 PM
Vhong Navarro is now more open to talking about his kids and new girlfriend after his annulment


Noon ay very private si Vhong Navarro sa kanyang love life. Hindi ito napag-uusapan sa past interviews niya dahil ongoing pa ang annulment case nila ni Bianca Lapus.

Open na ngayon si Vhong sa kanyang relasyon with a non-showbiz girl dahil katatapos lamang daw ng kanyang annulment case. Aprubado kaya sa dalawang anak ni Vhong ang kanyang girlfriend? Na-meet na kaya ng kanyang girlfriend ang dalawang bata? "Oo! Na-meet na siya," maikling sagot ni Vhong.

Ngayong malaya na ulit si Vhong na magpakasal, nagpa-plano na kaya sila ng kanyang girlfriend na mag-settle down? "Wala muna. Halos katatapos lang ng annulment ko eh. Gusto kong magpahinga muna. Hindi naman trauma, sabi nga ng lawyer ko, kung magpapakasal ka, huwag muna. Kasi ang tagal ng inantay ko rin eh," dagdag pa ng aktor.

Malalaki na rin ang mga anak ni Vhong at susuportahan daw niya ang mga ito kung sakaling papasukin din ang showbusiness. "Yung anak ko kasi kay Bianca minsan nag-vi-VTR siya para sa TVC, lumalabas sa mga play, gusto ng bata, ito yung 12 years old, yung bunso ko. Yung panganay ko mahiyain eh, 14 years old yun, mahiyain siya. Hangga'rsquo;t maaari, kinakausap ko rin si Bianca na sana ay huwag muna kasi gusto ko na makapagtapos muna ng pag-aaral bago pumasok sa showbiz. Kung gusto nila ay hindi ko sila aawatin, suporta ako roon," kuwento pa niya.

May balak daw sina Vhong at ang kanyang girlfriend na pumunta ng Europe para mag-celebrate ng Valentine'rsquo;s day. "Aalis kami, papunta kami ng Europe kasama ang mga kaibigan ko, kasama rin siya. Kasama kami," nakangiting pagtatapos ni Vhong.