KC Concepcion reacts to Phil Younghusbands crush on her

The star is overwhelmed by questions regarding the men being romantically linked to her.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/27/2011 7:48 AM
KC Concepcion reacts to Phil Younghusbands crush on her


Buhat nang magbalik si KC Concepcion sa bansa ay hindi pa raw nila napag-uusapan ng kanyang rumored boyfriend na si Piolo Pascual ang kanyang naging experience sa Africa last week. "Hindi pa siya nagtatanong. Ayokong mag-volunteer ng information. Busy po kasi siya sa Noah at saka sa future niya," natatawang sagot ni KC.

Looking forward ngayon ang dalaga sa pelikulang pagsasamahan nila ni Sam Milby. "Si Direk Cathy ay makakausap na namin, and I think tuloy na tuloy na yung movie and it'rsquo;s exciting," pahayag ni KC.

Ang balita ngayon ay hindi raw kumportable si Piolo kung magkakaroon man ng kissing scenes sina KC at Sam sa pelikulang gagawin nila. "I don'rsquo;t think that'rsquo;s true. Very dedicated sa work niya bilang aktor at alam din naman niya. Bakit naman siya kailangang ma-affect? Feeling ko ay hindi naman totoo, si PJ pa, napaka-sensitive na tao nun," dagdag pa ng aktres.

Inamin the other day ng Azkals heartthrob na si Phil Younghusband na crush daw niya si KC. Ano kaya ang naramdaman ng dalaga sa revelation na ito ng football player? "Siyempre go Azkals! It'rsquo;s nakakatuwa kasi I think, ang daming pwedeng pagpilian. Madaming magaganda sa ABS-CBN sabi nila, it'rsquo;s really flattering and more than that, I'rsquo;m just thankful that he still appreciates Pinays sa lahat ng napuntahan niya at sa lahat ng babaeng nakita niya sa mundo," nakangiting sagot ni KC.