• Home
  • Fresh Scoops
  • Donnie Geisler speaks up about his brother Baron Geislers rehabilitation

Donnie Geisler speaks up about his brother Baron Geislers rehabilitation

The former Taekwondo champ says their family is doing everything they can to help Baron get well.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/26/2011 1:01 PM
Donnie Geisler speaks up about his brother Baron Geislers rehabilitation


Noong Lunes ay nabanggit ni Baron Geisler sa kanyang TV interview na papasok na raw siya sa isang rehabilitation center kinabukasan. Kahapon ay expected nang pumasok ang aktor sa rehab pero hindi naman daw ito natuloy. Ano nga ba ang tunay na nangyari at postponed ang pagpapa-rehab ni Baron? "I think they'rsquo;re still talking with the doctors. He still has to go through that check up bago makapasok sa rehab," pahayag ng nakatatandang kapatid ni Baron na si Donnie.

Ayon pa sa Kuya ni Baron kailangan magpa-general checkup ni Baron para malaman ang kondisyon ng kanyang pangangatawan at kalusugan, importanteng malaman kung may sakit siya lalo na sa kanyang atay dahil sa pag-inom ng alak. "Actually, he'rsquo;s gonna go through the checkup, walang results na lumalabas pa tungkol sa liver niya. Kailangan talaga ma-checkup yung whole system niya. If he'rsquo;s also able na ma-clear siya of anything bago siya makapasok, it'rsquo;s a requirement. Doon malalaman what day he'rsquo;s entering the rehab," dagdag pa ni Donnie. Ngayong araw daw naka-schedule ang general checkup ni Baron.

May mga usap-usapan din na dini-delay diumano ng aktor ang kanyang pagpapa-rehab, bagay na nilinaw din ni Donnie. "No naman, we'rsquo;re taking every measure and step na dapat gawin before he enters. Marami pa siyang tinatapos, like this week that hearing and now, siyempre we have to scout places where he can stay. Kapag maayos na lahat ay saka siya papasok."

Inaasahang maipapasok na ang aktor sa isang rehabilitation center kapag lumabas na ang resulta ng kanyang checkup.