• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta on defending Sarah Geronimo: I stood up for my friend

Sharon Cuneta on defending Sarah Geronimo: I stood up for my friend

The Megastar says she asked Rayver Cruz to help in fixing the issue between Sarah Geronimo and Cristine Reyes.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/25/2011 10:56 AM
Sharon Cuneta on defending Sarah Geronimo: I stood up for my friend


Naging malaking kontrobersiya ang away nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo kamakailan. Sangkot si Rayver Cruz sa nasabing isyu kaya una na itong nagbigay ng pahayag at nag-sorry naman ang aktor kay Sarah at sa mga tao na kanyang nasaktan. Mula noon ay naging open na sa publiko ang relasyon nina Rayver at Cristine.

Nadawit din ang pangalan ni Megastar Sharon Cuneta sa kontrobersiyang kinasangkutan nina Sarah, Rayver at Cristine. Close kasi si Sharon sa popstar princess kaya ang balita ay kinampihan daw nito si Sarah at ipinagtanggol laban kina Cristine at Rayver.

"I was doing my part as a friend to Sarah. I stood up for my friend. There'rsquo;s nothing wrong with that and I just felt she got hurt, and it wasn'rsquo;t right that the people involved in causing her hurt were parang putting her down pa," seryosong pahayag ni Sharon.

Napabalita rin na kinumpronta raw ng Megastar sina Cristine at Rayver para kay Sarah. "No! I haven'rsquo;t seen her. Rayver, yes. You know I'rsquo;m a decent person. I don'rsquo;t go up to someone, I don'rsquo;t need to do that," emosyonal pang pahayag ni Mega.

"My intention was if I were to contribute anything. I want it to be that they knew I wanted them all to be okay. So I went up to him sabi ko, Rayver, and you know I have never talked to this boy. I said pa nga, anak, babae naman yung amin. Sabi ko, I don'rsquo;t know you, but I love her so ayusin mo naman anak. Babae yung amin, protektahan mo naman," kuwento pa ng aktres.

Sobrang natuwa naman si Sarah sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Sharon. Ngayon ay masayang-masaya sina Rayver at Cristine sa kanilang relasyon while single pa rin si Sarah. Sa huling interview ni Sarah ay nabanggit niya na hindi pa raw handa ang mga tao sa kanyang paligid kung sakaling makikipag-relasyon siya. Sana ay dumating yung time na maging ready na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo sa pagkakaroon ni Sarah ng love life.