Toni Gonzaga says she prefers a long engagement

The actress shares what she and boyfriend Paul Soriano did for her birthday.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/24/2011 3:41 PM
Toni Gonzaga says she prefers a long engagement


Last January 20 ay nag-celebrate ng kanyang birthday si Toni Gonzaga kasama ang kanyang boyfriend na si Paul Soriano. Isang romantic dinner daw ang nangyari that night sa isang cozy place. "Nag-dinner kami sa Isabela Garden, it'rsquo;s a private restaurant. You can'rsquo;t just walk in, kailangan ay naka-schedule sa internet, i-e-mail mo pati yung dishes ay in-e-mail namin," bungad ni Toni. Natuwa ang dalaga dahil nagkasama sila ni Paul on her special day kahit sobrang busy din nito sa kanyang trabaho.

Masayang-masaya si Toni sa regalong natanggap niya from her boyfriend. Mahilig kasi si Toni sa mamahaling sapatos like Louboutin kaya personal niyang ni-request kay Paul na iyon na lang ang i-regalo nito sa kanya. Na-surprise si Toni dahil hindi lang isang pares ngunit dalawang pares ng Louboutin shoes ang kanyang natanggap. "Yung isa ay ibinigay niya noong 19, tapos ibinigay niya ng 20 yung isa. Akala ko ay tapos na, okay na ako sa isa, bongga talaga! Siyempre give siya nang give kaya receive naman ako ng receive," natatawang kuwento pa ng aktres.

Matagal na rin ang relasyon ng dalawa kaya hindi malayong mag-propose na si Paul ng kasal one of these days. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Toni kung sakaling dumating na ang special day of proposal ni Paul sa kanya? "Get ko yung ring pero wait siya ng three years pa, matagal na engagement,"'nbsp; maikling sagot'nbsp; ni Toni.

Isa pa sa mga nagpasaya kay Toni sa kanyang birthday ay ang surprise message ni Mariel Rodriguez sa kanya noong isang Linggo sa The Buzz. Kamusta na kaya silang dalawa matapos ang kanilang tampuhan before? "Hindi pa kami nagkikita eh so ang hirap mag-kuwento, so far so good naman. We'rsquo;ll take it one step at a time. Huwag nating pilitin, gagawin nating tama at maayos," makahulugang sagot pa ng multimedia star.