• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang says her daughter does not want her to have a love life

Pokwang says her daughter does not want her to have a love life

The comedienne shares she has no boyfriend as of the moment.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/24/2011 3:27 PM
Pokwang says her daughter does not want her to have a love life


Last year ay nagkaroon ng foreigner admirer si Pokwang na si Ryan Navarro. Nagkakilala ang dalawa sa The Heartthrobs concert sa Dallas noong April 2010. Mula noon ay naging constant na ang communication nina Pokwang at Ryan.

Kamakailan ay may isang insidente na nabalitaan ni Pokwang na may kasama raw na ibang babae sa isang bar si Ryan kaya sobrang nasaktan ang komedyana. Kamusta na kaya silang dalawa ngayon? "Wala na, 'lsquo;di niya alam ang bago kong number. Kapag nasaktan ako nang bongga ay talagang mabubura ka sa buhay ko, na halos anino mo ay ayaw kong makita. Hindi pa ako nakakatagpo ng tamang guy para sa akin," pahayag ni Pokwang.

Ano naman kaya ang mga requirements ni Pokie para sa kanyang Mr. Right? "Para sa akin yung disente, responsible, madiskarte sa buhay tsaka alam niya kung papaano ka rerespetuhin lalo na yung anak ko," sagot ng komedyana. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw tanggap ng kanyang anak na si May na pumasok siya sa isang relasyon. "Ayaw na ng anak ko, pero sabi ko sa kanya na darating ang panahon mag-aasawa ka, iiwan mo na rin ako, parang medyo natatauhan siya nang bonggang-bongga. Siguro darating ang panahon na papayag siya," dagdag pa ni Pokie.