Baron Geisler files countersuit against Yasmien Kurdi

The controversial actor's counsel says his client is a victim of false accusations.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/24/2011 3:50 PM
Baron Geisler files countersuit against Yasmien Kurdi


Kanina ay isang kontra demanda ang isinampa ni Baron Geisler laban sa kampo nina Yasmien Kurdi sa Office of the Ombudsman. Acts of Lasciviousness ang kasong isinampa noon ni Yasmien laban kay Baron.

Kasong paglabag sa Republic Act 3019 or anti graft and corrupt practices act ang haharapin ni Yasmien at ng kanyang kampo dahil sa kontra demanda ng kampo ni Baron. "We are here to seek justice for him. Sobra nang pang-aapi ang ginagawa sa kanya. Ganyan ang lumabas sa mga dokumentong ginawa nila. Pingatulung-tulungan nila para maakusahan ng 'lsquo;di totoo si Baron. Puro conclusions lang ng people who are not even competent to make those conclusions," pahayag ng legal counsel ni Baron na si Attorney Bonifacio Alentajan.

Patuloy pa ring hinaharap ni Baron at ng kanyang abogado ang kasong isinampa sa kanya ni Yasmien matapos niyang magbigay ng not guilty plea. "Ako, naniniwalang walang kaso. Sang-ayon sa complaint o sa information na ginawa ng fiscal, wala namang acts of lasciviousness doon. Kasi ang importanteng elements ng acts of lasciviousness, there must be force, intimidation, then there must be lewd desire. Ibig sabihin you want to consummate your adulterous desire. How come that happened eh nasa set sila? May camera man, may direktor, saka maraming tao," paglilinaw pa ni Atty. Alentajan.

Bukas ay nakatakda nang ipasok si Baron sa isang rehabilitation center. "Right now ay no comment muna ako sa mga bagay-bagay, Doon sa mga tao, siguro ay nagtataka sila ano ang ginagawa ni Baron sa labas? Inaayos ko lang po ito and then diretso na ako. Actually, hindi ako takot pumasok, I'rsquo;m excited. Sabi ko nga kay mommy, mom tara na, ihatid n'rsquo;yo na ako. I'rsquo;m looking forward," seryosong pahayag ni Baron.