Vice Ganda denies he has money issues with Ogie Diaz

The Showtime resident judge says he knows there will come a time that he and manager Ogie Diaz will part ways.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/23/2011 9:56 PM
Vice Ganda denies he has money issues with Ogie Diaz


Itinanggi ni Vice Ganda na nag-aaway sila ng kanyang manager na si Ogie Diaz dahil sa pera. Idinagdag din ni Vice na mayroon din talagang pagkakataon na maghihiwalay sila ni Ogie gaya ng ibang manager-talent relationship, halimbawa aniya ay kung maisipan na niyang mag-retire sa trabaho. Inamin niyang nagkakaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan ng kanyang manager pero hindi kasama rito ang pera na sabi niya ay ka-cheap-an na issue. Ayon pa kay Vice ang issue na kagaya nito ay maaaring gawa-gawa lamang ng mga taong walang magawa sa buhay. 'nbsp;
'nbsp;
Dahil sa suwerte niya sa career, sinabi ni Vice na feeling niya ngayon ay siya ang pinakamayaman sa mundo. Nang tanungin ng The Buzz host na si Charlene Gonzales kung gaano siya kayaman ay tumanggi namang magbigay ng pigura si Vice.
'nbsp;
Matapang ding sinabi ni Vice na sinubukan niyang bilhin ang pag-ibig. Proud daw siya rito at walang pagsisisi dahil walang bibili para sa kanya kundi siya lamang. Dagdag pa ni Vice siya ang tipo ng taong willing isuko pati ang magandang career para sa pag-ibig. Depensa niya, kung ang tao ay magaling, kaya niyang mabuhay kahit isuko ang magandang buhay. Dati nga ay dumaan siya at ang pamilya sa kahirapan pero nagawa niyang bumangon kung kaya'rsquo;t mas malakas ang loob niya ngayon sa hamon ng buhay.
'nbsp;
Bilang permanent judge sa Showtime, si Vice lamang ang huradong hindi natatanggal at marami raw siyang naging kaibigan sa mga naging guest judge ng talent show. Pero ang pinaka-close raw niya ay ang dalawang nagtagal na judges sa Showtime, sina Gladys Reyes at Jhong Hilario. Para raw niyang kapatid si Gladys dahil sa tingin pa lang nila ay alam na nila ang nararamdaman ng isa'rsquo;t isa. Matagal daw bago sila naging close ni Jhong pero dumating din sila sa point na naging komportable sa isat-isa.
'nbsp;
Kung may pinaghihinayangan daw siya ngayon ito ay ang magkakahiwalay sila ng kanyang pamilya. Nasa US kasi ang kanyang nanay at mahal na lola. Nakakaluwag daw sila sa buhay ngayon pero mas maganda sana kung magkakasama sila.
'nbsp;
Umaasa naman si Vice na mangyayari ito sa Pebrero dahil uuwi na galing US ang nanay at lola niya.