• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo appeals to Kimerald fans to support her team-up with Gerald Anderson

Sarah Geronimo appeals to Kimerald fans to support her team-up with Gerald Anderson

The Popstar Princess says she wants to enjoy her project with Gerald Anderson amidst the pressure.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/23/2011 10:05 PM
Sarah Geronimo appeals to Kimerald fans to support her team-up with Gerald Anderson


Sa unang pagkakataon ng pagtatambal nila ni Gerald Anderson sa pelikula, aminado si Sarah Geronimo na may kaba siyang nararamdaman lalo pa'rsquo;t highly identified si Gerald kay Kim Chiu at maraming fans ang kanilang team-up. "May konting kaba, ipinagdadasal ko na lang na sana matanggap na ito ay trabaho lang," ani Sarah bilang apela sa mga fans ng Kimerald.
'nbsp;
Bukod pa rito, ramdam din ni Sarah ang pressure na kailangang tapatan ng team-up nila ni Gerald ang dating projects ng mga dating kapareha na naging successful; si Gerald kay Kim habang ang Popstar Princess ay kay John Lloyd Cruz. Gayunpaman, nais din ni Sarah na ma-enjoy ang paggawa ng proyektong ito. "Syempre lahat kami kinakabahan dahil successful 'lsquo;yung previous movies (namin ni Gerald) at may comparison. Pero hindi naman namin mai-enjoy ito kung iisipin ang pressure," ani Sarah.
'nbsp;
Kasama rin sa pelikula si Matteo Guidicello na nali-link din noon kay Sarah pero komportable rin daw sila sa isa'rsquo;t isa dahil nakapag-bonding na sila kasama ang kanilang director.
'nbsp;
Sa kabilang banda, sobrang thankful naman ni Gerald dahil solid pa rin ang suporta sa kanya ng Kimerald fans kahit na hindi si Kim ang leading lady niya. Aniya, bumibisita sa set ang ilang fans. "Salamat talaga sa Kimerald (fans) na nandyan pa rin kahit di kami magkasama (ni Kim)."
'nbsp;
Ayaw naman niyang ikumpara sina Sarah at Kim dahil magkaiba raw ng personalidad ang dalawa. "They'rsquo;re very good on what they do. Si Sarah napakabait at tahimik lang din."
'nbsp;
Safe naman ang isinagot ni Gerald nang tanungin siya tungkol sa napapabalitang pagdi-date ngayon aktres na dating na-link sa kanya na si Bea Alonzo kay Zanjoe Marudo. "Everything'rsquo;s normal. Masaya naman kaming lahat, we decided to be friends." 'nbsp;