• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual reacts on issue between co-stars Baron Geisler and Cherry Pie Picache

Piolo Pascual reacts on issue between co-stars Baron Geisler and Cherry Pie Picache

The actor says he hopes everything between the Noah stars get settled soon.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/23/2011 10:16 PM
Piolo Pascual reacts on issue between co-stars Baron Geisler and Cherry Pie Picache


Pinag-usapan ng lahat ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni Baron Geisler na nangyari sa set ng Noah kamakailan. Nagbigay na sina Baron at Cherry Pie ng kanilang mga pahayag tungkol sa isyu. Maging ang kanilang mga managers na sina Arrnold Vegafria at Ed Instrella ay ibinahagi na rin ang kanilang mga saloobin. May ginawa na ring aksyon ang PAMI o ang samahan ng mga talent managers hinggil sa isyu.

Isa si Piolo Pascual sa mga lead stars ng Noah at nagbigay na rin siya ng reaksyon para sa kasamahang sina Baron at Cherry Pie. "We feel for everyone not just for Miss Pie but also for Baron. Madali namang mag-apologize eh, that'rsquo;s the first step. Marami namang nagmamahal kay Baron eh, kapatid ko 'lsquo;yan, pero siyempre ang gusto naman ng lahat yung consistency lang. Trabaho lang ang hanap natin 'lsquo;di ba, respeto para sa lahat," seryosong pahayag ni Piolo.

Nagsalita na rin ang mga kapatid ni Baron tungkol sa kontrobersiyang kinakaharap nito, partikular na ang pambabastos nito sa mga babae sa tuwing ito ay nalalasing. "Sorry, alam ko walang ugaling ganoon ang kapatid ko," maikling pahayag ng ate ni Baron na si Grace.

"Siguro ay naging ganito lang naman siya when he entered into showbiz, that all confusions came in his life," sagot naman ng kanyang Kuya na si Donnie, na kasama rin ni Baron na pumasok sa Pinoy Big Brother house noong pangalawang Celebrity Edition nito.