• Home
  • Fresh Scoops
  • Is Angelica Panganiban ready to tie the knot with Derek Ramsay?

Is Angelica Panganiban ready to tie the knot with Derek Ramsay?

Angelica Panganiban says she will let the world know when she is getting married.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/23/2011 10:11 PM
Is Angelica Panganiban ready to tie the knot with Derek Ramsay?


"Sa sobrang pagka-secret hindi ko rin alam," pabirong pahayag ni Angelica Panganiban hinggil sa usap-usapang nagpakasal na diumano sila ng boyfriend na si Derek Ramsay nang magbakasyon sa Palawan noong huling linggo ng Disyembre 2010. Dun daw nag-Bagong Taon ang magkasintahan kasama ang pamilya ni Derek.
'nbsp;
Pero kinlaro ni Angelica na hindi siya naging secret bride. Lagi raw niyang nililinaw na hindi pa sila nagpapakasal ni Derek pero dahil sa laging pagtatanong ay gusto na niyang sumagot ng oo para maiba lang. Pero kidding aside, sinabi ni Angelica sa The Buzz kahapon na kung mangyayari man iyon ay hindi niya ito itatago, bagkus ay ipapaalam pa sa buong mundoo. "Pag nangyari 'rsquo;yon ako 'rsquo;yung pinaka-proud na babae para mapunta sa ganong sitwasyon kaya magiging sobrang happy akong i-announce," anang aktres.
'nbsp;
Nang tanungin naman siya ng host na si Toni Gonzaga kung ready na siyang magpakasal ay tanging halakhak lang ang isinagot ni Angelica.
'nbsp;
Masaya ring ibinalita ni Angelica na patuloy ang komunikasyon nila ngayon ng kanyang ama matapos silang magkita pagkatapos ng mahabang panahon. Kuwento pa ni Angelica, first time umano niyang magpadala ng Christmas card sa ama sa America. Mayroon din daw package na ipinadala ang ama sa kanya pero hindi pa niya ito nabubuksan.
'nbsp;
Happy rin si Angelica na madaling nagkapalagayan ng loob ang dalawang lalaking malapit sa kanyang puso, ang boyfriend na si Derek at ang kanyang ama. Nakapag-usap na raw ang dalawa sa telepono at naging okay agad ang mga ito. "Feeling ko magiging sila balang araw," pagbibiro pa ni Angelica. Aniya, madalas daw nilang pag-usapan ng ama si Derek. Binibilinan din daw siya nito na alagaan ang boyfriend.
'nbsp;
Nagpaplano rin daw si Angelica at si Derek na bisitahin ang ama ng dalaga ngayong taon pero hindi pa sigurado kung kailan dahil sa sobrang busy ng kanilang schedule.