Vice Ganda leaving manager Ogie Diaz?

Is it true that the comedian is not happy with how Ogie manages his career and wants to have another manager?

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/22/2011 11:31 PM
Vice Ganda leaving manager Ogie Diaz?


Naging usap-usapan ngayong linggo ang isyung iiwan na raw ni Vice Ganda ang kanyang manager na si Ogie Diaz. Madalas na raw kasing hindi nagkakasundo sa mga desisyon ang dalawa. Si Vice daw ang nag-desisyong umalis na sa pamamahala ni Ogie. "Hindi ko na nagugustuhan ang pamamalakad niya. Hindi na ako masaya, puro sama ng loob ang inaabot ko. Hindi ko na nagugustuhan siya bilang manager ko kaya nag-desisyon na ako na maghiwalay na kami ng landas kasi sa laki ng ulo kong ito hindi na niya masabayan ang paglaki ng ulo ko kaya kailangang maghiwalay na kami," seryosong pahayag ni Vice Ganda.

Pero bigla na lang napasigaw ang komedyante pagkatapos bitiwan ang naunang pahayag. "Iyon naman ang hinihintay nilang sagot lahat. Ang tagal-tagal na naming dine-deny, sinabi nang hindi kami maghihiwalay. Sinabi nang nangako kami sa isa'rsquo;t isa na hindi kami maghihiwalay dahil puno ng pag-ibig ang puso namin para sa isa'rsquo;t isa pero wala pa ring tigil so ayan, masaya na ba sila," natatawang sagot ulit ng komedyante.

Ayon naman kay Ogie ay mayroon talagang mga oras na hindi sila nagkakasundo ni Vice sa kanilang mga desisiyon. "Sa amin ni Vice Ganda, una ay normal lang sa talent at sa manager yung nagtatalo sa isang bagay. Mayroong mga bagay na ayaw ni Vice. Mayroon din namang mga gusto si Vice na ayaw ko, at the end of the day ay nagkakasundo kami sa isang desisyon, ganun ang relasyon namin," paglilinaw ni Ogie. "Bago rin siya mag-desisyon, kino-consider niya muna yung damdamin ko. Minsan naman kahit anong explain niya ayaw ko talaga pero hindi ko pinu-puwersa si Ogie," dagdag naman ni Vice. Ibang klase raw talaga ang friendship nina Ogie at Vice kaya kahit minsan mang nagtatalo ay muling nagkakasundo ang dalawa.