Sharon Cuneta on Piolo Pascual: I like the boy very much

Sharon reacts on Piolo Pascual and also shares the status of her health.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/21/2011 2:31 PM
Sharon Cuneta on Piolo Pascual: I like the boy very much


Kagabi ay naging excited ang lahat sa pagdating ni Megastar Sharon Cuneta sa presscon ng kanyang pinakabagong endorsement. Ito kasi ang kanyang first public appearance pagkatapos ng insidenteng naganap sa kanyang birthday concert. Matatandaang isinugod si Sharon sa ospital right after the event pero maayos na ang kondisyon niya ngayon. Nilinaw ng megastar ang naglabasang balita na napilay daw siya dahil sa nangyari. "There was a news item that came out na napilay ako which wasn'rsquo;t true naman. Meron ding na-E.R. (emergency room) ako dahil nahulog ako, hindi ganun, aksidente lang yung pagkahulog ko," paglilinaw ni Sharon. May issue rin na hindi na raw muling magko-concert sa Araneta Coliseum si Sharon dahil sa naganap na insidente. "Araneta 'lsquo;yan, pasasaan ba at diyan din ang uwi ko," natatawang dagdag pa niya.

Nagbigay na rin ng reaksyon si Sharon sa napapabalitang botong-boto raw ang pamilya ni Piolo Pascual na makatuluyan ng aktor si KC Concepcion. "I'rsquo;m very happy. I think Piolo'rsquo;s mother and yung mga kapatid niya, they'rsquo;re all blessed to have Piolo the way he loves them, and as I'rsquo;ve always said I have absolutely nothing against Piolo and I think he is such a good influence on KC. I like the boy very much, what can I do," seryosong sagot pa ni Sharon.