KC Concepcion returns from her UN mission in Africa

KC is ecstatic to share with the public what she has learned in Uganda.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/21/2011 10:31 PM
KC Concepcion returns from her UN mission in Africa


Kagabi ay nakarating na si KC Concepcion mula sa kanyang 22-hour trip from Africa. Nagpunta si KC doon last Saturday para sa kanyang kauna-unahang mission outside the country as United Nation'rsquo;s World Food Programme Ambassador against hunger. Masayang-masaya si KC sa kanyang naging experience sa Uganda, Africa. "Yung mga tao doon, mahilig din sa matitingkad na kulay yung suot nila. Mahilig din sa mga bracelets. Mayroon ding tilapia doon na malalaki parang triple or quadruple ng tilapia natin dito. Yung sitwasyon nila doon ay parang mayroon tayo sa Mindanao. Nakita ko yung worst pero nakita ko rin yung best," kuwento ni KC.

Nag-enjoy si KC sa ilang araw ng stay niya sa lugar. Anu-ano nga ba ang ginawa ng dalaga doon? "Yung first day, yun yung pinakamahirap pero favorite ko siya kasi malungkot yung lugar and very basic. Yung dry talaga yung lupa, and yung mga tao halos ay wala na talagang makain. Parang dahon sa puno yung kinakain nila, pinapakuluan nila. Talagang naglalakad sila ng malayung-malayo para makakuha ng tubig, tapos ilalagay nila sa ulo nila yung mga balde. Tapos sila rin yung hahanap ng pagkain at kahoy. Mayroong namamatay ay mayroong nadi-disgrasya dahil sa paghahanap ng pagkain, pinakita nila sa akin yun," sabi ng aktres at host ng The Buzz.

"Then yung second and third day, ipinakita nila sa akin yung ibang mga lugar na talagang gumanda na. Natuto na rin silang magtanim para sa sarili nilang food para wala na silang problema, para wala nang mag-risk ng buhay nila. Ngayon makikita mo na nagha-harvest na sila ng corn, yung mga patatas ganun. Okay sila, nakita ko talaga yung two sides. Ang ganda-ganda, ang linis ng hangin. Ang bait-bait ng mga tao. Pulang-pula yung mga lupa, yung smile ng mga tao parang ang tagal-tagal n'rsquo;yo nang magkakilala." pagde-detalye pa ni KC.

Abangan pa ang iba niyang kwento sa The Buzz ngayong Linggo.