Zanjoe Marudo admits he is courting Bea Alonzo

The actor says he's taking it slowly but surely with Bea.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/20/2011 3:52 PM
Zanjoe Marudo admits he is courting Bea Alonzo


Kamakailan ay inamin ni Zanjoe Marudo na nililigawan niya si Bea Alonzo. Madalas daw silang mag-date lalo na noong Christmas vacation. Sinagot na kaya ni Bea ang binata? "Nanliligaw, nasa proseso pa. Ako naman ine-enjoy ko yung bawat oras na makakasama ko kasi gusto ko masaya. Gusto ko nag-e-enjoy siya at ayoko siyang magulo dahil parang yung ganyang mga klaseng bagay, hindi siya basta-bastang bagay na pwede mong pag-desisyunan nang mabilis," bungad ni Zanjoe.

Mayroon na kayang pina-planong romantic date si Zanjoe para sa kanila ni Bea for Valentine'rsquo;s Day? "Wala pa akong naiisip pero siyempre darating naman 'lsquo;yun. Mahirap kasi mag-plano eh, pangit kapag pina-plano ang mga bagay, maganda yung spontaneous lang," dagdag pa ng aktor.

Samantala, isang bagong project naman ang gagawin ni Zanjoe kapag natapos na ang Teleseryeng Kristine. Masayang-masaya raw siya dahil nahahanay na siya ngayon sa mga leading men ng Kapamilya network. "Isang drama na naman ang ihahandog ng ABS-CBN sigurado, excited ako doon. Seryoso na heavy drama siguro ito na parang may love story. Para pagkatiwalaan ako, para i-offer sa akin yung mga ganung klaseng proyekto. Ayokong isipin na hindi ko kaya, ayokong isipin na mahihirapan ako. Tanggapin ko na lang, yakapin ko na lang kung ano yung ibibigay sa akin," pagtatapos ni Zanjoe.