• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang explains why she didnt show up at Sharon Cunetas Concert

Pokwang explains why she didnt show up at Sharon Cunetas Concert

The comedienne says she really wanted to attend Mega's birthday concert.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/20/2011 5:23 PM
Pokwang explains why she didnt show up at Sharon Cunetas Concert


Last week ay guest sana si Pokwang sa birthday concert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum pero hindi siya nakasipot dito. Ano nga ba ang dahilan at hindi nakapunta si Pokie? "Sa edad kong ito, chumi-chicken pox, siguro sabi ni God ay pahinga ka muna kasi ay magkaka-chicken pox ka," pabirong bungad ni Pokwang. "January 2, pagkagaling ko ng Manaoag, nagsimba ang pamilya ko. Pag-uwi ko ay parang nilalagnat ako, pagdating ng hapon may kumekembot na, buti na lang ang mga duktor high tech na, mayroon silang ini-inject na mabilis silang natuyo," kuwento pa ng komedyana.

Nalungkot si Pokie sa nangyari kay Sharon sa concert at sa pagkakasakit nito. "Sa dami ng nagmamahal sa kanya na maging okay siya, na-sad ako dahil this year lang ako nawala sa Sharon. Kasabay pa ako na nagkasakit ni Mega pero I'rsquo;m sure maraming nagmamahal sa kanya. Isa na ako doon, ang daming nagdasal na maging okay siya," dagdag pa ni Pokie.

Nami-miss na rin daw ni Pokwang ngayon ang pagpapasaya sa mga tao tuwing tanghali pero kaabang-abang daw ang kanyang pagbabalik. "Siyempre kung may nawala, may darating na bago. Doon ako excited. Abangan ninyo ng bonggang-bongga 'lsquo;yan. Meron tayong nakahandang proyekto na talaga naming ikatutuwa ng lahat," pagtatapos ni Pokwang.