• Home
  • Fresh Scoops
  • Did John Lloyd Cruz give Shaina Magdayao a watch worth .5 million?

Did John Lloyd Cruz give Shaina Magdayao a watch worth .5 million?

The actor says he hopes his and Shaina's schedules match and let them spend Valentine's Day together.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/19/2011 11:59 AM
Did John Lloyd Cruz give Shaina Magdayao a watch worth .5 million?


Last year ay nag-regalo si John Lloyd Cruz kay Shaina Magdayao ng isang luxury bag para sa Pasko. Recently naman ay isang expensive watch naman daw ang ibinigay ng aktor kay Shaina. Nagkakahalaga raw ng kalahating milyon ang nasabing relo. "Di lang tayo kumportable na dini-disclose yung ganyang mga bagay," natatawang pahayag ni John Lloyd. "No matter how big or small yung amount na ibinibigay mo, it'rsquo;s really the thought na nagka-count dapat," dagdag pa niya.

Ngayong malapit na ang Valentine'rsquo;s day, mayroon na bang plano sina Shaina at John Lloyd for a romantic date? "Wala pa. Kapag naman magkasama kayo ay iyon naman ang importante eh. Kung papalarin at bibigyan kami ng pagkakataon na magsama on that day, well and good. Kung hindi mangyari ay okay lang din, trabaho muna. Alam ko from this day on hanggang matapos ang Imortal ay di na ako pwede umalis," sagot ni Lloydie.

Masaya naman daw ngayon ang aktor sa napababalitang blossoming romance nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo na parehong close sa kanya. "I couldn'rsquo;t be happier for them. Basta ako, kahit sinong kaibigan ko, and pareho kong kaibigan sina Bea at Zanjoe. Sabi ko nga ay kung saan ka masaya, makakasiguro ako na doble ang saya namin bilang kaibigan mo," makahulugang sabi ni John Lloyd.