• Home
  • Fresh Scoops
  • Baron Geisler axed from Noah because of harassing fellow artists

Baron Geisler axed from Noah because of harassing fellow artists

According to sources, Baron did not only harass actress Cherry Pie Picache but was rude to other members of the Noah cast and crew as well.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/19/2011 1:13 PM
Baron Geisler axed from Noah because of harassing fellow artists


Noon ay marami nang kinasangkutang gulo ang aktor na si Baron Geisler dahil sa impluwensiya ng alak sa kanya. Hindi lang minsan siyang inireklamo ng kanyang mga kakilala at kasamahan sa trabaho dahil sa kanyang inaasal kapag siya ay nalalasing. Nagpa-rehab na rin ang aktor noon at nangakong magbabago na at hindi na raw niya babalikan ang dating gawi.

Isang pangyayari na naman ang kinasasangkutan ni Baron ngayon. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source ay iba na raw ang ipinakitang pag-uugali ni Baron sa last taping niya ng Noah kaya nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng ilang mga tao sa kanilang grupo. Dumating daw ng lasing si Baron sa set ng kanilang taping kaya naging "rough" diumano ito sa kanyang kaeksenang si Cherry Pie Picache.

Aksidente raw kasing nahawakan ni Baron ang dibdib ng aktres. Nagreklamo raw si Cherry Pie kay Direk Malu Sevilla, at nang pagalitan ni Direk Malu si Baron ay doon na ito nagwala kaya nag-worry ang buong production team. Sobra rin daw ang naging pakikipagharutan ni Baron sa mga kasamang child stars na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat noong time na iyon. Isang production staff din diumano ang biglang hinalikan at hinawakan ni Baron sa maselang bahagi ng katawan nito.

Nag-desisyon na ang ABS-CBN management na tanggalin na si Baron sa teleseryeng Noah. Sumulat naman si Ed Instrella, manager ni Cherry Pie, sa PAMI, ang grupo o samahan ng mga talent managers. Nakasaad sa liham ni Ed na hindi na muna makikipag-trabaho ang kanyang mga talents sa lahat ng projects with Baron.

Ngayong araw ay nakatakda ang hearing ni Baron Geisler sa Bulacan para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa sa kanya ni Yasmien Kurdi, dahil ito sa pambabastos daw sa kanya ng aktor nang mag-taping sila noong May 2009.

Hanggang ngayon ay dinidinig pa rin ang kasong sexual harassment ni Baron na isinampa naman ng anak ni William Martinez na si Patrizha, dahil naman ito sa pambabastos sa kanya ni Baron Noong 2008.

Mamayang gabi ay nakatakda ang pag-iimbestiga ng PAMI sa pangunguna ni Ethel Ramos tungkol sa kaso ni Baron at Cherry Pie. Ayon naman sa manager ni Baron na si Arnold Vegafria ay ipapasok na raw si Baron sa isang rehabilitation center this week. Nakiusap din si Arnold na huwag munang husgahan si Baron at dapat munang Makita ang video ng kontrobersiyal na eksena.