Karylle opens up about rumored boyfriend Yael Yuzon

The singer actress reveals what she likes about the Sponge Cola front man.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/18/2011 2:53 PM
Karylle opens up about rumored boyfriend Yael Yuzon


Kamakailan ay pansamantalang pumalit si Yael Yuzon, front man ng bandang Sponge Cola, kay Karylle bilang hurado sa Showtime. Mayroong ibang showbiz commitment si Karylle that day kaya si Yael muna ang sumalang to judge. Sinimulan ni Vice Ganda ang panunukso kung ano ba ang real status nina Karylle at Yael pero wala rin namang inamin ang binata. Madalas ding biruin ni Kuya Kim sa show si Karylle tungkol sa kanyang special relationship with Yael. Ano na nga ba ang tunay na status ng dalawa? "Secret! Corny, parang teenager, parati kong sinasabi, siguro ang corny kung straight forward kong sasagutin. Abangan na lang nila yung album ko dahil nandoon ang kasagutan," bungad ni Karylle.

Marami ang nagsasabi na seryosohan na raw talaga ang relasyon nina Yael at Karylle ngayon. "Hindi naman. Masaya lang, parang for now it'rsquo;s a bit fun to just enjoy things this way, tuksuhan lang sa Showtime ganun. Masaya lang ako, yung mga biruan na ganyan part of the bonding of the cast," dagdag pa ni Karylle.

Ano nga ba ang nagustuhan ni Karylle kay Yael? "Very brave, very sweet. Mag-bestfriend kasi kami. I think 'lsquo;yun yung winning quality niya na bestfriends kami," pagtatapat ni Karylle.

Samantala, ginulat ni Karylle ang lahat sa kanyang pagpapa-sexy sa kanyang pictorials'nbsp; para sa kanyang musical play na The Light and The Piazza. Nag-pose si Karylle ng ilang intimate scenes kasama ang isang male model. Nakasuot lamang siya ng puting kamison sa nasabing pictorials. Nagpaalam kaya siya kay Yael? "Nag-theater din naman siya, so naiintindihan niya," pagtatapos ng singer-actress.