Kapamilya leading men Sinulog concert big success

Ultimate Kapamilya Leading Men concert at the Waterfront Hotel was the big high light at the festival.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/17/2011 5:52 PM
Kapamilya leading men Sinulog concert big success


Maraming Cebuano ang napasaya ng mga Kapamilya stars noong weekend dahil sa series of shows na ginanap sa Cebu para sa Sinulog Festival. Ang Ultimate Kapamilya Leading Men concert sa Waterfront Hotel ang naging hightlight sa lahat. Pinakilig at pinainit nina Piolo Pascual, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, Sam Milby, Enchong Dee at John Lloyd Cruz ang buong Cebu noong Sabado ng gabi. Naroon din si Pokwang as special guest na game na game ding nakipagkulitan sa audience.

Biglang napahinto ang concert nang mamatay daw bigla ang kuryente sa stage habang may nagpe-perform for the finale number. Nagkagulo rin daw kasi ang audience sa may bandang harapan ng stage. "Noong nagpaalam na kami, we were doing the final number, biglang in the middle of the number ay nawala yung electricity kasi nag-mob sila sa harap. I think the people were kinda upset because bigla na lang nawala abruptly. Naputol yung show, we were also upset but we have to apologize in behalf of our team. I hope we gave them a good show," kuwento ni Piolo. Sa kabila nang pagkakaroon ng kaunting aberya ay'nbsp; masayang-masayang naman na umuwi ang mga Cebuano na nanood ng concert. Tuwang-tuwa rin ang lahat ng Kapamilya stars na nagpunta sa Cebu para maki-celebrate ng annual Sinulog Festival.