Toni Gonzaga to Mariel Rodriguez: I miss you

The Muti-media Star gets a special birthday message from Mariel Rodriguez, with whom she had a rift a few months back.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/17/2011 7:49 AM
Toni Gonzaga to Mariel Rodriguez: I miss you


Maraming inihandang sorpresa kahapon ang The Buzz para sa pagdiriwang ni Toni Gonzaga ng kanyang 27th birthday, kung saan isa siya sa mga hosts ng programa. Pero maaaring ang pinakamalaking sorpresa na natanggap ni Toni ay pagbati mula sa kanyang dating kaibigan at nakaalitang si Mariel Rodriguez.
'nbsp;
Habang ini-interview si Toni ng co-host na si Boy Abunda at biglang isiningit ng talent manager na mayroong text message na ipinadala si Mariel para kay Toni at binasa ito sa actress-host. "Happy, happy, happy, happy birthday, Toni! I'rsquo;m very happy for you, Toni, dahil andami mong blessings na natatanggap. You deserve it because you really work hard. A lot have happened but one thing is for sure; you will always have a friend in me. It'rsquo;s not the first time this had happened to us but I think our friendship is strong enough to surpass any obstacles. Mangingibabaw at mangingibabaw ang mabuti nating pagkakaibigan. Hindi lang kaibigan ang turing ko sa 'lsquo;yo. Isa kang kapatid, alam mo 'lsquo;yan. Happy, happy, happy birthday, Toni. My birthday wish for you is simple. I just hope you are happy, 'lsquo;yun lang. And Toni, ako nagpakasal na, ikaw naman ang next. He-he-he. Happy birthday, (from) Mariel."
'nbsp;
Lubos naman ang pasasalamat ni Toni sa kanyang "sister". "Thank you for that message. It'rsquo;s been a long time since huli tayong magkita and I'rsquo;m looking forward na magkita tayo one of these days. Thank you for wishing me well kahit nung Christmas." Ipinahayag pa ng multi-media star na pareho sila ng nararamdaman ng nakaalitang kaibigan. "Just like kung ano 'lsquo;yung nararamdaman mo kung anuman 'lsquo;yung nangyari noon at kung ano man 'lsquo;yung pinagdaanan natin, I will always treasure you in my heart. So I miss you."
'nbsp;
Dagdag pa ni Toni ang nangyari sa kanila ni Mariel ay nagpatibay lamang sa kanila bilang mga tao. At naging kontrobersyal man ang nangyaring awayan nila ay sinabi ni Toni na mananatiling malapit na kaibigan si Mariel. "I think siguro 'lsquo;yung mga ganitong pinagdadaanan o ganitong nararanasan namin, it helps us mature and really know who and what to value in life. Kaya that'rsquo;s one thing siguro that we'rsquo;re taking away from everything. We'rsquo;ve been through (a lot), ako si Bianca (Gonzalez) at si Mariel."