• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo: Kung may galit ako o kung may sama ako ng loob, sasabihin ko sa yo

Sarah Geronimo: Kung may galit ako o kung may sama ako ng loob, sasabihin ko sa yo

The Pop Star Princess finally speaks up about the controversy involving her and Cristine Reyes.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/16/2011 9:41 PM
Sarah Geronimo: Kung may galit ako o kung may sama ako ng loob, sasabihin ko sa yo


Nagsalita na ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo hinggil sa isyung kinasangkutan kabilang sina Cristine Reyes at Rayver Cruz. Inilabas ang panayam kay Sarah sa The Buzz kahapon at nagpaliwanag si Sarah hinggil sa kanyang kontrobersyal na komentong 'lsquo;Kapag magaling sumayaw ay habulin ng mga seksing babae.'rsquo; 'lt;p'gt;

"Wala talaga po akong intensyon na manakit ng ibang tao, na mang-insulto ng pagkatao ng isang tao. 'lsquo;Di ko nakita sa mga magulang ko 'lsquo;yon. Nagulat lang po ako na magkakaganon," depensa ni Sarah. 'lt;p'gt;

Sa isyu namang pagtira sa kanyang pagkatao na pakitang tao lamang daw ang kanyang pagkakaroon ng good image, ang sagot ng singer-actress, "Siguro ganun talaga. Lahat naman tayo may kanya-kanyang opinyon. May kanya-kanyang perception sa bawat tao at hindi mo naman 'lsquo;yun mako-control, eh na, 'lsquo;O, isipin mo mabait ako, mabait ako talaga,'rsquo;" aniya.'lt;p'gt;

Dagdag pa niya, hindi rin niya kayang makipag-plastikan sa ibang tao.'nbsp; "Kung ganunman 'lsquo;yung pagtingin sa 'lsquo;yo ng isang tao, kailangan mong tanggapin at kailangan mo ring patunayan na mali ang pananaw mo sa akin. Hindi ako marunong mamlastik ng isang tao. Kung may galit ako o kung may sama ako ng loob, sasabihin ko sa 'lsquo;yo."'lt;p'gt;

Tanging pasasalamat naman ang naibulalas ng aktres sa mga nagtanggol sa kanya sa kontrobersya at kabilang na rito ang Megastar na si Sharon Cuneta. "Sobrang nakakahiya talaga at sobra ko pong na-appreciate 'lsquo;yung ginawa po ni Miss Sharon. Nagpa-interview pa siya hindi niya kailangang ma-involve dito."'lt;p'gt;

Tumanggi naman si Sarah na pag-usapan ang mismong nakaalitan niyang si Cristine. 'nbsp;'lt;p'gt;

Mariin ding tumanggi ang aktres nang tanungin siya kung handa na ba siyang magmahal muli. Inamin niyang natatakot din siyang masaktan. "Siguro parte na rin po 'lsquo;yun pero hindi pa rin po kasi tamang panahon, 'lsquo;di ba? Medyo focus muna sa career. Magiging ready naman po ako 'lsquo;pag ready na rin po 'lsquo;yung tao sa paligid ko, kasi mahirap naman 'lsquo;yung magmahal pero hindi pa kaya ng mga magulang."