• Home
  • Fresh Scoops
  • Kristine Hermosa debating over lying low in showbiz after her wedding to Oyo Sotto

Kristine Hermosa debating over lying low in showbiz after her wedding to Oyo Sotto

The much-awaited wedding of Kristine Hermosa and Oyo Sotto was also the groom's birthday.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/17/2011 7:46 AM
Kristine Hermosa debating over lying low in showbiz after her wedding to Oyo Sotto


Ginanap nga noong January 12, Miyerkules, ang pag-iisang dibdib nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na sobrang intimate dahil piling-pili lamang umano ang mga imbitadong bisita. Mismong kaarawan din ni Oyo ang araw ng kasal. Ang nasabing kasal ay isang Christian wedding sa naganap sa Balai Isabel sa Tanauan, Batangas dakong ika-5 ng hapon.

Nagsimula ang dalawa bilang magkaibigan subalit nauwi rin ito sa pagkakaroon nila ng relasyon. Mabilis namang binigyan ng basbas ang relasyon ng dalawa ng magulang ni Oyo na sina Dina Bonnevie at Vic Sotto.'nbsp; 'nbsp;

Ibinalita sa The Buzz kahapon na kumpleto umanong dumalo ang pamilya Sotto habang umuwi pa galing sa Canada ang pamilya ni Kristine. Sa mga showbiz friends naman ng ikinasal, naroroon daw sina Ara Mina at si Maricar de Mesa. Habang kabilang sa mga ninong ay sina producer Tony Tuviera, Star Magic founder Mr. Johnny Manahan, TV executive Malou Choa-Fagar, at ABS-CBN president Charon Santos-Concio.

Ang kanilang motif ay cobalt-blue at pink at ang gown na isinuot ni Kristine ay ginawa ng fashion designer na si Edwin Tan.

Samantala sinabi rin ng mga hosts sa The Buzz na plano umano ni Kristine na maging make-up artist kung sakaling ayaw na muna niyang magbalik-showbiz.