• Home
  • Fresh Scoops
  • Rayver Cruz admits Cristine Reyes is his first ever serious relationship

Rayver Cruz admits Cristine Reyes is his first ever serious relationship

The actor-dancer says he is very comfortable hanging out and feels very welcome in Cristine Reyes' family.

BY JAMES CANTOS

FRESH SCOOPS

1/15/2011 8:41 PM
Rayver Cruz admits Cristine Reyes is his first ever serious relationship


Si Cristine Reyes ang first ever girlfriend ni Rayver Cruz dahil hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend since birth. Mayroon din namang mga niligawan si Rayver before pero bakit kaya si Cristine ang nakapagpa-ibig nang todo sa kanya? "Nag-jive kasi kami. 'lsquo;Di kasi nakikita ng marami na kapag off-cam, si Cristine kalog 'lsquo;yan na parang bata. Natutuwa ako sa kanya, nakita ko kaagad sa kanya kahit lumalabas pa lang kami, magkaibigan pa lang kami, naging kumportable siya kaagad sa akin, naipakita niya sa akin kung sino siya," bungad ni Rayver.

Tanggap na tanggap din ng pamilya ni Cristine si Rayver. Minsan nga raw ay mas kinakampihan pa ng mommy ni Cristine si Rayver kapag nagkakaroon ng mga tampuhan o hindi pagkakaunawaan ang dalawa. "Sobrang nakakatuwa, naging kumportable ako agad sa family niya. Kung paano nila ako alagaan, kung minsan ay kumakampi pa sa akin yung mga kapatid niya, lalo na yung mommy n'rsquo;ya," dagdag pa ng binata.

'lsquo;Di naman maikaila na sobrang mahal din Cristine si Rayver dahil maging sa mga messages na pino-post ng dalaga sa kanyang Twitter account ay obvious na masayang-masaya siya with Rayver. Kapansin-pansin din sa mga interviews ni Cristine sa TV na kinikilig siya lagi kapag si Rayver ang topic.