Young singer, loner sa party! Si ex-bf kaya ang dahilan?

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/9/2010 4:50 PM
Young singer, loner sa party! Si ex-bf kaya ang dahilan?


Sa isang event na dinaluhan ng maraming artista, namataang nananahimik sa isang sulok ang isang young singer habang ang lahat ay nagsasaya at pumaparty. Pa-text text lang si singer-composer sa kanyang cell phone at kahit may mag-aya sa kanya na sumayaw ay steady lang siya sa kinauupuan. Although known na quiet-type si singer, hindi man lang ba siya makikipagsaya with her fellow artists?

Napa-isip tuloy ang mga nakakakita kay young singer na baka kaya ito walang gana maki-party ay dahil nandoon din sa nasabing event ang ex-boyfriend niya na may ka-date na iba! Si ex-boyfriend ay isa ring singer. Naging public ang kanilang relationship noon dahil nabuo ito sa isang show. Ang ka-date naman ni ex-boyfriend ay isa ring aspiring singer na nadiscover din sa naturang show. Magmula sa red carpet hanggang sa program proper maging nung party ay consistent na magkasama ang dalawa. Hindi kaya hurting si young singer dahil ibang girl na ang ka-holding hands ni ex-bf?