Sarah Geronimo ready to sign contract again with ABS-CBN

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

9/8/2010 10:43 AM
Sarah Geronimo ready to sign contract again with ABS-CBN


Matapos ang agam-agam ng napipintong paglipat ng network ni Sarah Geronimo sa ibang istasyon, kumpirmado nang she is staying with the Kapamilya network. Ngayong gabi ay nakatakdang muling pumirma ng kontrata ang Popstar Princess sa ABS-CBN.

Sa December 2010 pa nakatakdang magtapos ang kontrata ni Sarah sa ABS-CBN pero this early ay nagawa na ang bago niyang kontrata for 2010.

With these developments, mawawala na ang takot ng mga fans ni Sarah na lumipat ito ng network na anila, "Mas maibibigay ng ABS-CBN ang tamang pagaalaga at exposure ni Sarah. Hindi naming pinangarap na malaos siya dahil lilipat siya ng network.

Sa contract-signing ngayong gabi, inaasahan ang pagdalo ng ABS-CBN big bosses at Viva Entertainment big wigs na siyang nagma-manage kay Sarah.