Maja Salvador and Matteo Guidicelli, already a couple?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

9/8/2010 10:36 AM
Maja Salvador and Matteo Guidicelli, already a couple?


Kapansin-pansin ang sweetness nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli sa nakaraang 4th Star Magic Ball. Sila ang magkasamang rumampa sa red carpet ng said celebrity event. Nagsimula ito nang magsama sila sa isang episode ng Inday, Inday sa Balitaw ng Wansapanataym. Nagkaroon ng paringgan sa pagitan ng dalawa. Nagsabi daw si Matteo na wala siyang ka-date sa said event. Na sinagot ni Maja ng, "Hindi ako nadadaan sa parinig!".

With the state of Maja'rsquo;s lovelife ngayon, right timing ang pagdating ni Matteo dahil loveless ang aktres ngayon. Wala rin naming nababalitang girlfriend si Matteo mula nang mag-comeback ito sa showbiz at muling sumikat.

Very gentleman si Matteo sa pagaasikaso kay Maja sa event. Kitang-kita naman kay Maja ang saya sa ipinapakitang pagaalaga sa kanya ni Matteo. At sa kanyang BBM status, sinabi ni Maja na "I saw the sign!". Nangangahulugan kaya na natagpuan na ni Maja ang lalake sa para sa kanya?