Ex-reality show contestant player or torpe?

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/8/2010 6:30 PM
Ex-reality show contestant player or torpe?


Totoo kaya ang chika na ang isang ex-reality show contestant ay may dalawang aktres na napupusuan? Well napabalita na dati na si actress no.1 daw ang sanhi ng pakikipagbreak ni guy sa kanyang ex-girlfriend. Madalas na rin kasing makita si ex-reality show contestant at si actress no.1 na pumaparty kasama ang kanilang mga kaibigan pero patuloy pa din sa pag-deny na may something na nga silang dalawa.

Pero, ayon sa aming source ay hiningi ni reality show contestant (na aspiring actor na rin ngayon) ang number ni actress no. 2 sa isang kakilala dahil mukhang type niya itong makilala ng masinsinan. Dahil nga dito marami ang nag-abang kung sino sa dalawa ang ka-date ni guy sa kakatapos lang na bongga at ekslusibong event. Ngunit nagulat ang lahat nang dumating ito ng walang kasama. In fairness naman kay guy all smiles naman siya sa red carpet at enjoy na enjoy kahit na hindi kasama ang kanyang mga 'lsquo;girls'rsquo;.

Pero noong kalagitnaan na ng gabi marami ang nakapansin na 'lsquo;over'rsquo; na sa pagsasaya itong si reality show contestant at medyo namumula mula na nga ang kanyang mga pisngi. Ayon pa sa mga nakakita todo 'lsquo;party'rsquo; na nga si guy at todo aliw sa kanyang sarili sa dance floor. May 'lsquo;picture picture'rsquo; moments pa nga ito kasama ang ilang mga babae. Di kaya dahil walang ka-date itong si ex-reality show contestant kaya'rsquo;t naglasing na lang? O dahil namataan niya si actress no. 2 na kasama ang consistent leading man nito sa mga telerserye na sumasayaw sa dance floor kasama pa ang close friends ni young actress? Sa tingin niyo playboy ba o torpe itong si Kuya?