• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao attend the Star Magic ball as a couple

John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao attend the Star Magic ball as a couple

John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao finally make their first public appearance as a couple at the fourth Star Magic ball.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

9/7/2010 2:42 PM
John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao attend the Star Magic ball as a couple


Sa kabila ng pag-amin tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, hindi pa rin tinatantanan ng mga intriga ang real-life couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Tila may ilang mga tao pa rin ang hindi pabor sa kanilang relasyon kaya kung anu-anong kontrobersiya ang binabato sa kanila. Pero sa kabila ng mga naglalabasang tsismis tungkol sa kanilang private lives, magkasamang dumalo sina John Lloyd at Shaina Magdayao sa Star Magic ball sa Makati Shangri-La Hotel noong September 5.

Ito ang unang pagkakataong nakaharap nila ang local media bilang isang couple at ibinahagi ni John Lloyd kung gaano siya ka-proud na makasama si Shaina para sa pinakaaabangang pagsasalu-salo ng mga Kapamilya stars. "Siguro this time around it'rsquo;s going to be a better night, a more meaningful night. Last year naman I came with Direk Cathy Garcia-Molina and ngayon iba na."

Nang kamustahin namin si Shaina kung anong pakiramdam na kasama si John Lloyd, hindi naman ito nakitaan ng kung ano mang pagkailang o paninibago dahil mukhang going strong ang kanilang relasyon. "So far okay naman." Natatatawa namang ibinahagi ni John Lloyd na medyo nahihirapan daw si Shaina sa maglakad papasok ng ballroom dahil hindi ata ito kumportable sa suot na high heels. "Nahuhuli ako. Ang sakit ng paa ko e," paliwanag ni Shaina.

Ganunpaman ay hindi nito pinalampas ang pagkakataong makipag-bonding at maki-party sa iba pang Star Magic artists. "Oo naman excited ako to be here and to have time with everyone."