• Home
  • Fresh Scoops
  • Hunk Actor at Sikat na Aktres, magkasamang tumakas sa isang party!

Hunk Actor at Sikat na Aktres, magkasamang tumakas sa isang party!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

9/7/2010 5:58 PM
Hunk Actor at Sikat na Aktres, magkasamang tumakas sa isang party!


Sa isang malaking party na naganap recently, marami ang nagulat sa pagdating together ng isang hunk actor at ng diumano'rsquo;y nakahiwalayan niya nang girlfriend. Naisip ng mga nakakita, baka for "imaging" purposes kaya sila pa rin ang pumunta sa party. Kaya naman lahat pasimple silang inobserbahan sa buong gabi. Pero'hellip; unlike before, wala na ang sweetness nila. Dati kasi si hunk actor todo talaga sa pag-aalaga kay girl. As in. At marami ang nakapansin sa super sad na mga mata ni girl that night.

Pero ang inaabangan ng lahat na eksena'hellip; nangyari nung patapos na ang party, Si hunk actor, umalis sa venue na hindi na kasama si girl na kasabay niyang dumating. Mabilis itong sumakay sa kanyang Hummer, ay ano ba yan nadulas naman ako sa brand ng sasakyan niya! Anyway'hellip; kasunod ni hunk actor ang ilang mga guy friends niya. Pero hindi ito ang kasabay niyang uuwi ha, dahil sa likod pala ng guy friends 'ndash; as in parang tinatago nila, ay ang isang sikat na aktres na duda ng lahat ay siyang present ka-relasyon ni hunk actor. Ayun na nga, mabilis at pa-simpleng sumakay si sikat na aktres sa Hummer ni hunk actor! Si girl na kasabay ni hunk actor dumating sa party? Ayun naiwan, at ayon sa mga nag-stay pa nung gabing iyon, ay naglasing daw si girl.