• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla denies marriage with Mariel Rodriguez is just for publicity

Robin Padilla denies marriage with Mariel Rodriguez is just for publicity

Robin Padilla says he is documenting his life hoping that it would inspire others someday.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/27/2010 10:36 AM
Robin Padilla denies marriage with Mariel Rodriguez is just for publicity


Ngayong naibunyag na ang pagpapakasal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, nagtatanong pa rin ang marami kung ang pagpapakasal umano ng dalawa ay malaking publicity stunt dahil may upcoming show umano sila.

Ikinuwento naman ni Robin na bago pa man niya nakilala si Mariel ay dinodokumento na niya ang kanyang buhay. "Nung paglabas ko po ng kulungan, maraming tao ang nagsabi bakit hindi ako sumulat ng libro. Hanggang isang araw, bakit ko pipilitin na ako'rsquo;y magsulat, eh hindi naman ako writer," ani Binoe. "Ako ay estudyante ng pelikula (kaya) magmula noon lahat kinamera ko na hanggang sa mga oras na 'lsquo;to naka-document.

Naniniwala umano ang action superstar na maaaring may magandang idulot ang hangarin niyang ito. "Maaaring makapagbigay ng aral sa ating mga kabataan, ano ba 'lsquo;yung mga gusto kong ipakita? Una, kultura ng Pilipino, pangalawa ano ba 'lsquo;yung mga suliranin natin bilang tao (at) Pilipino at higit sa lahat ang dumating sa buhay ko ang pag-ibig."

Aniya pa, bago pa man umano ang kanilang kasal ni Mariel ay may usapan na raw si Robin at ng Studio 23 hinggil sa pagpapalabas ng show. Hindi raw nila kailangan pa ng publicity. Nang mag-leave umano si Mariel sa trabaho ay naisipan daw ni Robin na magpahiram ng mga footages ng kanilang kasal dahil ayaw niyang magkaroon ng negatibong feedback sa pagli-leave ng host sa trabaho. "Si Mariel ay nagbakasyon, ayokong isipin ng mga taong nakapaligid sa kanya nagpagbaya siya. Ang sinabi ko sa kanya 'lsquo;Babe, pwede ba kong magbigay sa kanila para nagtatrabaho ka pa rin (at) para nakikita nila na professional ka pa rin.'nbsp; Hanggang sa nakita namin na sila na 'lsquo;yung humihingi ng footages (ng kasal namin)."

Sa ngayon ay wala pang definite na detalye kung kelan ipalalabas ni Robin ang ginagawa niyang programa subalit sinabi niyang darating ang panahon at maipalalabas ito. At dahil din daw sa pagpapakasal niya ngayon ay nagkaroon ng bagong yugto ang pagdo-dokumento niya.