• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee and Erich Gonzales say keeping their relationship real is what makes their tandem click

Enchong Dee and Erich Gonzales say keeping their relationship real is what makes their tandem click

Enchong Dee says leading lady Erich Gonzales never gave him a reason to be jealous of anyone.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/27/2010 1:00 AM
Enchong Dee and Erich Gonzales say keeping their relationship real is what makes their tandem click


Hindi itinanggi ni Enchong Dee na nasabihan na niya ng 'I love you' ang leading lady na si Erich Gonzales pero ito ay dahil sa close friends sila. "Itong pagsasama namin hindi naman ito basta trabaho, kumbaga marami pang bagay na sa amin lang, tulad ng pagkakaibigan," paliwanag ng aktor.

Straight to the point ding inilahad ng aktor na ilang beses man niyang sinabihan si Erich ng 'I love you' ay wala namang relasyon na namumuo sa kanila. "Wala pa kami sa estado na may commitment sa isa'rsquo;t isa," paglilinaw niya.

Sinang-ayunan naman ito ni Erich at sinabi na naniniwala siya na isa sa mga dahilan kung bakit tinatangkilik sila ng tao ay dahil hindi nila ginagawan ng gimik ang kanilang team-up. "Sa amin ni Enchong pareho kami ng priority talaga, trabaho muna. Ayaw naming haluan ng anything and siguro po one thing na gusto ng tao, hindi kami gumigimik na nagkaka-in-love-an kami in real life."

Muling nilinaw ni Erich na hindi raw totoong nililigawan siya nina Coco Martin at Paul Jake Castillo. "Wala pong nanliligaw sa akin at ayoko pong mag-entertain ng manliligaw. Naniniwala ako sa industriyang ito, kung uunahin mo 'lsquo;yung love-life (puwedeng) magtatampo 'lsquo;yung trabahong ito."

Sinabi naman ni Enchong na wala naman daw siyang dapat ikaselos sa mga nali-link na lalaki kay Erich dahil hindi raw siya binibigyan ng dahilan ng aktres para magselos.

Nang tanungin sila kung ano ang pangakong gusto nilang sabihin sa isa'rsquo;t isa, ang sagot ni Enchong: "Promise that I will always be your balance in life. Lagi kitang aasarin 'lsquo;pag good mood ka, lagi naman akong dahilan ng kasiyahan mo 'lsquo;pag bad mood ka." Sagot naman ni Erich, "I will support you in everything that you will do and I will always be here for you and you know that."

Samantala, ipapalabas na ang launching movie ng kilalang love-team sa September 29 na pinamagatang I Do under Star Cinema. Kasama rin sa pelikula sina Pokwang at Melai Cantiveros