• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga reveals that boyfriend Paul Soriano supports her team-up with John Lloyd Cruz

Toni Gonzaga reveals that boyfriend Paul Soriano supports her team-up with John Lloyd Cruz

Toni Gonzaga says there's no reason for her boyfriend Paul Soriano to be jealous of her newest leading man John Lloyd Cruz.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

9/25/2010 11:49 PM
Toni Gonzaga reveals that boyfriend Paul Soriano supports her team-up with John Lloyd Cruz


Sa kabila ng mga intriga, tuloy-tuloy lang sa pagtratrabaho ang The Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga lalo na ngayong nakailang shooting days na siya para sa pelikula nila ni Box Office King John Lloyd Cruz. Sa isang panayam ng PUSH.com.ph, ibinahagi ni Toni kung gaano siya kabilib sa galing ng aktor pagdating sa pag-arte. "Definitely masaya ang bonding namin sa set dahil siyempre reunion movie ko din ito with director Cathy Garcia-Molina na pareho naming nakasama na ni John Lloyd sa respective projects namin. Pero kahit na magkakakilala na kami, naninibago pa rin ako kasi bago yung ka-partner ko e, bago yung timpla ng mood, at ng chemistry with John Lloyd so yun yung kinakabisado ko pa sa ngayon."'nbsp;
'nbsp;
Maging ang boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano ay todo rin ang suporta sa kanya sa proyektong ito. Napag-alaman din namin na sa lahat ng naging leading man ni Toni ay kay John Lloyd ito botong-boto. Seloso raw kasi dati itong si Direk Paul. "Naku, hindi talaga yun magseselos kay John Lloyd. Actually, nung unang narinig niya yun, talagang gulat na gulat siya. 'lsquo;Siya talaga makakatrabaho mo? Ang galing naman!'rsquo; Sabi ko sa kanya, 'lsquo;Oo nga, nakakatuwa no?'rsquo;. Tapos nung natuluyan na lahat, ayun, na-excite kami pareho kasi dati pa naming pinanood yung mga pelikula ni John Lloyd."

Ikinatuwa naman ni Toni ang balitang very vocal si John Lloyd sa paghanga nito sa kanya bilang isang singer-TV host-actress. "Siyempre thankful sa mga magagandang salita na sinabi niya sa akin. Kaya nga siguro thankful din ako sa project na ito dahil isa ito sa mga hindi ko inasahan na mangyayari talaga. Ganon din naman ako sa kanya. Napakahusay niyang aktor. Ang sa akin, pinagtratrabahuhan ko ito ng mabuti.'nbsp; At sana, kung hind ko malampasan, e mapantayan ko man lang yung performance na binibigay niya para sa aming movie project."