• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga says she is open to reconciling with Mariel Rodriguez in due time

Toni Gonzaga says she is open to reconciling with Mariel Rodriguez in due time

Actress-host Toni Gonzaga says she and Mariel Rodriguez need time to heal wounds.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/20/2010 3:52 AM
Toni Gonzaga says she is open to reconciling with Mariel Rodriguez in due time


Sinabi ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, September 19, na gusto na niyang maghilom mula sa kontrobersyang kinasangkutan nila ni Mariel Rodriguez. Inamin niya na matagal na niyang kinikimkim ang hinanakit kay Mariel at malaking hakbang sa kanya ang aminin sa wakas ang hinanakit na ito.

"Ang hirap na sabihin lagi na okay ako, okay kami [ni Mariel]. For the longest time I'rsquo;ve been doing that since June na sa tuwing may magtatanong sa akin okay, okay, okay lahat," paliwanag ni Toni. "Ang hirap na pati ang sarili mo niloloko mo para lang wala nang ma-isyu sa inyo pero dumating ako sa hangganan na hindi naman po talaga ako okay."

Sinabi rin ng TV host ang dahilan ng kanyang pagkakaroon ng sama ng loob kay Mariel pero hindi idinetalye. "Bilang isang kaibigan, 'lsquo;pag narinig mo kasi at nadiskubre mo 'lsquo;yung mga bagay na mula sa isang kaibigan mo na minahal mo, masakit talaga 'lsquo;yon and I don'rsquo;t want to go into details. I don'rsquo;t want to elaborate dahil mas lalaki pa, mas marami pang mai-involve, mas marami pang magbibigay ng opinyon para sa akin.

"Sapat na inamin ko na nasaktan ako dahil from there I can move on. From here I can say I'rsquo;m already in the process of healing'hellip; Binibigyan ko na ng time ang sarili ko binibigyan ko na ng time si Mariel na one day siguro pwede kaming mag-usap."

Naluha rin ang actress-host nang aminin niyang kaunti lamang ang maituturing niyang tunay na kaibigan sa showbiz dahil bawat isa ay nais niyang mabigyan ng atensyon at panahon. "Si Mariel tinuring ko 'lsquo;yang kapatid at kapamilya hindi na siguro mawawala sa akin 'lsquo;yon," ani Toni at idinagdag na kung kaya'rsquo;t nasaktan siya ng sobra ay dahil pinahalagahan niya nang husto ang dating co-host sa Entertainment Live. "I need time siguro, si Mariel also needs time na magpalamig sa sitwasyon. Hindi ako okay sa mga nangyari I'rsquo;ll wait for that day na magkausap kami, hindi lang sa text. I'rsquo;m not closing my doors."