• Home
  • Fresh Scoops
  • Shaina Magdayao on recent controversy: Definitely nabastusan ako

Shaina Magdayao on recent controversy: Definitely nabastusan ako

Shaina Magdayao says she never considered quitting showbiz despite recent controversy

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/20/2010 3:41 AM
Shaina Magdayao on recent controversy: Definitely nabastusan ako


Hindi itinanggi ni Shaina Magdayao na ang pinakahuling malisyosong kontrobersya sa kanila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz ay isa sa mga pinakamatinding intriga na kanyang hinarap subalit sinabi niya na hindi naman niya naisip na magpadaig dito. "Siguro po 'lsquo;yung mga problema ko dati sinabi ko dumating ako sa point na parang ayoko na parang hindi ko kaya pero ito, definitely nabastusan ako, nababaan ako sa ganitong klaseng isyu, pero nasaktan to the point na I'rsquo;ll give up, hindi po kasi alam ko naman po na hindi totoo 'lsquo;yon," mahabang paliwanag ni Shaina.

Dagdag pa ni Shaina, bilang mga artista, ginagawa nila ang lahat para maging maingat pagdating sa kanilang pribadong buhay kung kaya'rsquo;t hindi posibleng basta na lamang ilalagay nila ang mga sarili sa nakahihiyang sitwasyon. "We'rsquo;re doing everything to keep our private lives quiet kaya medyo iwas ho sa industriya ho natin, bakit naman ho kami pupunta sa ospital nang ganon?" ani Shaina bilang pagtanggi na magkadikit umano sila ni John Lloyd nang isugod sa ospital.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Shaina sa kanyang launching project, ang Precious Hearts Romances Presents: Alyna na pinagbibidahan din nila Sid Lucero at Jason Abalos. Sobrang thankful ang aktres na makatrabaho ang dalawang magagaling na aktor. "Nakakatakot katrabaho dahil ang parehong leading men ko eh mga best actors tsaka grabe nakakagana talaga silang katrabaho kasi meron ka talagang makukuha from them."