• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla on his marriage to Mariel Rodriguez: Hindi kami puwedeng umamin

Robin Padilla on his marriage to Mariel Rodriguez: Hindi kami puwedeng umamin

Action superstar Robin Padilla stresses that answers to all the questions about the authenticity of his marriage to Mariel will be revaled once their show starts airing.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/20/2010 3:56 AM
Robin Padilla on his marriage to Mariel Rodriguez: Hindi kami puwedeng umamin


"Hindi kami pwedeng magkumpirma at hindi kami pwedeng umamin hangga'rsquo;t hindi nilalabas ang aming programa, meron din po kaming commitment sa ABS-CBN na meron din kaming TV show," ito ang paliwanag ni Robin Padilla hinggil sa diumano'rsquo;y hindi nila pag-amin ni Mariel Rodriguez kung totoo o hindi ba ang pagpapakasal nila sa isang Ifugao ceremony. Dagdag pa ng action superstar kapag nagsimula raw ipalabas ang kanilang programa atsaka mabibigyang linaw ang lahat.

Ang pagtangging ito ni Robin ang ikinadismaya ng Ibaloi priest na nagkasal sa kanila na si Jimmy Ong. Sa The Buzz kahapon, September 19, ay naiyak ang lola ni Mariel sapagkat sila umano ang huling nakaalam sa pagpapakasal raw ng apo pero sinabi ng lolo ng actress-host na masaya sila kung saan masaya ang kanilang apo. Subalit sa pananaliksik ay walang umanong application para sa marriage license si Robin at Mariel sa Baguio Civil Registry Office.

Idiniin ni Robin na mabibigyang linaw ang lahat kapag ipinalabas na ang kanilang show. "Parte ito ng parating namin na show. Dadating po 'lsquo;yung panahon na kami ang magsasabi kung ano talaga ang bawat nangyari na 'lsquo;yon at mapapaliwanag po 'lsquo;yan paglabas ng aming programa."

Humingi naman ng paumanhin ang aktor sa pamilya ni Mariel kung nasaktan man sila sa diumano'rsquo;y pagpapakasal nila nang hindi sila sinasabihan. "Ako po ay humihingi ng paumanhin sa magulang ni Mariel, sa lolo niya, sa lola niya, sa mga kamag-anak niya. Alam ko pong napakalaking kalapastanganan ang nangyayari, ang napapabalitang kami po ay naikasal na na hindi n'rsquo;yo nalalaman."