• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu and Gerald Anderson say that they will always be there for each other.

Kim Chiu and Gerald Anderson say that they will always be there for each other.

Amidst the intrigues hounding their team-up, Kim Chiu and Gerald Anderson reaffirm that they have a solid friendship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/20/2010 3:48 AM
Kim Chiu and Gerald Anderson say that they will always be there for each other.


Hindi itinanggi ni Gerald Anderson na nagkakaroon din sila ng tampuhan ni Kim Chiu gaya ng ibang relasyon. "Wala yatang tao na 'lsquo;di nakararanas ng tampuhan. Lahat naman tayo kahit sa isang relasyon na mag-asawa, mag-boyfriend o magkaibigan, hindi magiging healthy ang relasyon ninyo kung walang tampuhan," simula ni Gerald. "We'rsquo;re very happy, we'rsquo;re blessed na 'lsquo;yung relationship namin hindi naapektuhan ng anumang intriga na nangyayari sa amin sa showbiz at syempre marami pa [na intriga] in the future."

Naging maingay ang isyu na hindi na raw on good terms ang dalawa dahil nalipat na raw ang atensyon ngayon ni Gerald kay Bea Alonzo. Bilang reaksyon, sinigurado ni Kim na maganda ang pagkakaibigan nila ng ka-love-team. "Super friends naman talaga kami ni Gerald, parang lagi kaming nandyan sa isa'rsquo;t-isa. 'lsquo;Pag kailangan niya ako, nandyan ako 'lsquo;pag kailangan ko [siya], nandiyan din siya [at] 'lsquo;yun ang mahalaga sa amin ngayon."

Nagiging matunog din ang balita ngayon na dahil sa desisyon umano ni Gerald na ligawan si Bea, nagbanta ang mga fans ng Kimerald na si Kim na lang ang susuportahan nila at hindi na ang aktor. "On my part kung may nagbago man ho, pero sa part namin at sa part ko wala pong nagbago. Ganun pa rin 'lsquo;yung tingin namin sa kanila. Sobra kaming thankful sa lahat-lahat ng ibinigay nilang suporta sa amin," ani Gerald.

Sinang-ayunan naman ni Kim ang sinabi ni Gerald at nagpasalamat sa kanilang loyal fans sa apat na taon sa kabila ng mga kontrobersya. "Hindi namin control kung ano ang gusto nilang isipin pero sa akin gusto lang namin malaman nila na okay kami ni Gerald," ani Kim.

Tumanggi naman si Gerald na pag-usapan pa si Bea at sinabing hindi na siya muling magsasalita tungkol sa isyu dahil nadadamay raw ang aktres na wala namang kasalanan.