• Home
  • Fresh Scoops
  • Beautiful Actress, sinugod at kinompronta ang isang sikat na TV host-actress!

Beautiful Actress, sinugod at kinompronta ang isang sikat na TV host-actress!

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

9/16/2010 11:49 AM
Beautiful Actress, sinugod at kinompronta ang isang sikat na TV host-actress!


Uso ata ang revelations ng mga showbiz away ngayon! Dahil eto pa ang bagong pasabog: isang bata, beautiful at sikat na aktres ang sumugod sa dressing room ng isang TV host-actress para i-confront ito dahil sa paninira raw! Kinausap daw kasi ni TV host-actress ang hunk actor bf niya na ok tumanggap ng project with other girls, dahil hindi naman daw siya ang tipo ng gf na katulad ni young-beautiful-sikat na aktres. Si young-beautiful-sikat na aktres daw kasi eh pang gulo sa career ng ex-bf nitong hunk actor din.

Nang makarating sa kanya na siniraan siya ni TV host-actress, sinugod niya agad ito para i-confront. Ang defense na ginawa ni TV host-actress, hindi siya ang nagkalat kundi ang singer-actress na supposedly ay kaibigan niya! Kaya si young-beautiful-sikat na aktres, nashock dahil diretsahang panlalaglag with halong lait at mura, ang ginawa ni TV host-actress sa kaibigan nito.

'nbsp;

As expected, nakarating kay singer-actress ang panlalaglag/paninira ng kaibigang TV host-actress, kaya ngayon war na rin sila!