K Brosas says Keanna Reeves must apologize to Boy Abunda

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

9/15/2010 1:25 PM
K Brosas says Keanna Reeves must apologize to Boy Abunda


Masama ang loob ng singer at komedyanteng si K Brosas sa dating Pinoy Big Brother first Celebrity Editon big winner na si Keanna Reeves. Sumama ang loob ni K kay Keanna sa mga sinabi nito sa kanyang interview tungkol sa pagpapabaya ng talent management niya na Backroom, Inc. at ang pangdadawit'nbsp; niya ng pangalan'nbsp; ng TV host na si Boy Abunda sa pagkakaroon niya ng ugnayan sa isang aktor. Si Boy ay manager din ni Keanna at namamahala ng Backroom, Inc.

"Very, very light na na-ano ako, tinamaan'nbsp; pero hindi naman ito personal, e.'nbsp; Professional level dahil ako nga ay taga-Backroom at nakausap ko si Sir Boy about that article na sinulat. Na sinabi niya na medyo pinabayaan daw siya ng Backroom which is entirely not true, which is definitely not true kasi isa ako sa witness. Alam ko at nakita ko kung paano siya ginapang, pinagtanggol, pinagpasensyahan ng'nbsp; lahat ng taga-Backroom, ng staff, at alam niya na alam kong pasaway siya, e. Ang masakit lang sa akin kasi nga isa ako, ako ang tulay, teh, kung bakit siya napunta sa Backroom," panimula ni K sa presscon para sa kanyang upcoming solo concert sa Music Museum on November 12 entitled "K/Pak: The Wapak Concert."

Ginuest ni K sa kanyang first major concert ko sa Music Museum si Keanna noon. Tapos napanood siya ni Kuya'nbsp; Boy sa Music Museum at'nbsp; natawa'nbsp; kay Keanna. "Kasi'nbsp; may sketch ako sa Music Museum sa show ko na entitled 'lsquo;Gusto Ko'rsquo;ng Maging Bold Star.'rsquo; Ako ang sumulat noon. Isa sa mga nakakatawang'nbsp; pangalan 'lsquo;yung'nbsp; may recall. Siyempre sino ba ang nakakatawang pangalan na bold star? Keanna Reeves 'lsquo;di ba? Parang Keannu Reeves 'lsquo;di ba?'nbsp; So, siya ang kinuha ko. Eh, nag-hit'nbsp; 'lsquo;yung sketch namin, nandu'rsquo;n si Sir Boy, natuwa. Kinuha niya ngayon.So, tinulungan namin. Pinapasampa ko sa Klownz, sa show ko para masanay sa live act. Tapos hanggang sa pinasok sa PBB (Pinoy Big Brother) and the rest is history.'nbsp;

Kahit daw di nagsasalita ang kanyang manager, alam ni K na nasasaktan si Boy sa mga sinasabi ni Keanna. "So, kaya medyo sumama ang loob ko kasi nga ako 'lsquo;yung tulay. 'lsquo;Tsaka knowing Sir Boy, hindi niya papatulan 'lsquo;yan pero naramdaman'nbsp; ko 'lsquo;yung'nbsp; sama ng loob niya. Sumama talaga ang loob niya kay Keanna. Kaya'nbsp; imbes na magsalita si Sir Boy, ako na lang.'nbsp; 'lsquo;Tsaka para sabihin pa niya 'lsquo;yung personal mo, alam naman natin na ang bakla (Keanna) taklesa. Wala siyang pakialam sa sasabihin niya gaya nu'rsquo;ng mga sexcapades niya. Kaya lang ang masakit sa akin, bakit kailangan niyang sabihin na alam ni Sir Boy lahat 'lsquo;yun?


Eh, parang hindi naman.'nbsp; Lumabas tuloy na parang binubugaw (siya). Parang teka lang.'nbsp; This is not true. Walang kinalaman si Sir Boy <