• Home
  • Fresh Scoops
  • Young Kapuso Actress, gusto nang maging Kapamilya after ng break-up with her Kapuso Hunk Actor boyfriend?

Young Kapuso Actress, gusto nang maging Kapamilya after ng break-up with her Kapuso Hunk Actor boyfriend?

BY PUSH MINA

FRESH SCOOPS

9/13/2010 3:01 PM
Young Kapuso Actress, gusto nang maging Kapamilya after ng break-up with her Kapuso Hunk Actor boyfriend?


Para sa mga na-in love at nasaktan na dyan, ganun na ba talaga kahirap mag-move on these days? Sa kaso nitong isang young female star from the Kapuso Network, ang paglipat ba sa Kapamilya Network ang solusyon para tuluyan niya nang malimutan ang dating rumored boyfriend sa GMA-7?'lt;P'gt;

Bulung-bulungan kasi ngayon na tapos na raw ang kontrata ni young female star with GMA-7. At diumano, recently ay nakipag-meeting na ang kampo nito sa Star Magic ng ABS-CBN. Naku, ano kaya ang naghihintay sa career niya this time? Kasi nung nasa Kapuso Network pa siya, in fairness naman bini-build up siya. Kaya lang, masyado siyang nahumaling sa kanyang rumored hunk actor boyfriend, na super BIG star sa naturang istasyon. Marami ang nakaramdam sa tila pagla-lie low ni girl sa showbiz, para lang makapag-devote ng bonggang quality time with this actor na never umamin about his relationship with her --- oh well, until nung naghiwalay sila. Kaya ngayon, balak ata ni young female star na lumayo na talaga sa kanyang ex, na nali-link naman ngayon sa isang contestant sa isang reality show. Hay naku, go girl! Mas sisikat ka pag naging Kapamilya ka na, at mapapatunayan mong sa break-up niyo ng iyong rumored Kapuso boyfriend, ikaw ang tunay na survivor! Pak!