• Home
  • Fresh Scoops
  • UPDATED: Star Magic defends talents John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao

UPDATED: Star Magic defends talents John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao

Star Magic firmly says there is no truth that talents John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao were involved in a malicious claim.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/13/2010 10:38 AM
UPDATED: Star Magic defends talents John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao


"Isang malaking kasinungalingan ang intriga," ito ang mariing sagot ng Star Magic, ang talent arm na nagha-handle kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao hinggil sa malaswang intrigang kinasasangkutan ng dalawa. Nagkalat kasi ang mga bali-balitang isinugod ang magkasintahan sa ospital dahil sa isang malaswang paratang.

Unang pumutok ang kontrobersya sa isang blind item hanggang sa pangalanan ang dalawa at nagkalat sa mga tabloid, radyo at pati sa Internet. Bukod sa pinasinungalingan na ng Star Magic ang bali-balita, magkasabay ring dumating ang magkasintahan sa katatapos na Star Magic Ball at nanahimik sa nasabing kontrobersya. Wala din umanong lungkot o pagkabahala sa dalawa nang gabing iyon.

Bukod pa rito, isa ring insider sa ospital kung saan daw dinala ang dalawa ang nagsabing walang anumang eksena na naganap na si John Lloyd at Shaina ay isinugod sa ospital at ni anino raw ng dalawa ay hindi nakita sa ospital.

Dagdag pa, nasa trabaho umano ang dalawa sa sinabing petsa kung kailan isinugod sa ospital ang dalawa. Abala raw sa taping si Shaina para sa kanyang upcoming afternoon teleserye na Precious Hearts Romances Presents: Alynna samantalang subsob naman naman sa trabaho si Lloydie sa pagti-taping ng kanyang upcoming teleserye with Angel Locsin na Imortal.

Update (September 15):

Ito ang buong statement ng Star Magic tungkol sa insidenteng ito:

"Ang mga balitang kumakalat tungkol sa couple na diumano'rsquo;y na-"stuck" at dinala sa ospital ay malinaw na gawa gawa lamang ng ilang mga taong walang magawa sa buhay. Nakakalungkot na may mga members ng entertainment press at publiko na tumutulong sa black propaganda na ito. Natatawa na lamang kami sa bagong pamamaraan na ito para pasikatin ang aming mga artista at pinagdadasal na lang namin sila."

'nbsp;