• Home
  • Fresh Scoops
  • Queenie Padilla on dad Robin and mom Liezl: 'Sana po magkaintindihan kayo.'

Queenie Padilla on dad Robin and mom Liezl: 'Sana po magkaintindihan kayo.'

Robin Padilla's eldest daughter hopes her parents fix their differences so she and her siblings can live peacefully, whether it be here or in Australia.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/13/2010 10:48 AM
Queenie Padilla on dad Robin and mom Liezl: 'Sana po magkaintindihan kayo.'


Hindi raw madali ang maging anak ng isang Robin Padilla, ayon sa aspiring actress na si Queenie Padilla sa guest appearance niya sa The Buzz kahapon, Setyembre 12. "Overwhelming pero minsan nakaka-pressure kasi maraming expectations sa akin kasi napakagaling at nakapahusay ni Papa na artista," kuwento niya. Hindi rin niya itinanggi na may mga pagkakataon na nagiging emosyunal siya dahil sa matinding pressure. "Dati medyo, 'lsquo;Bakit ganito?'rsquo; Parang I'rsquo;m pressured, lagi akong umiiyak pero I just said okay, I'rsquo;ll just do my best and try to make people happy with my performances."
'nbsp;
Sa namamagitang hidwaan sa pagitan ng kanyang ama at inang si Liezl Sycangco na sa Australia na nakatira, inamin ni Queenie na mabigat para sa kanya at kanyang mga kapatid ang sitwasyon. Gayunpaman, sinabi niyang kailangan niyang maging matatag at kailangang intindihan ang parehong panig ng mga magulang. Ikinagalit kasi ni Liezl ang diumano'rsquo;y pagiging pabayang ama ni Robin sa kanilang mga anak na nandito sa Pilipinas.
'nbsp;
Nang tanungin ni Boy Abunda si Queenie ng mensahe para sa kanyang mga magulang, ang naluluhang pahayag ng aktres, "Sana po magkaintindihan na po kayong dalawa at bumalik po 'lsquo;yung friendship n'rsquo;yo dati and sana po kung anuman pong differences n'rsquo;yo o problema sa isa'rsquo;t isa, sana po maayos n'rsquo;yo na po."
'nbsp;
Pagdating naman sa usaping puso, sinabi ng dalaga na single pa rin siya pero inaming very close sila ngayon ng kanyang leading man sa Momay na si Ejay Falcon. "Siya po 'lsquo;yung pinaka-close na lalaki sa puso ko and we'rsquo;re very close and I feel that open na ako sa kanya," paglalarawan niya sa aktor. "Lahat ng mga bagay pwede kong i-open up sa kanya. I just feel so comfortable with him and marami po akong similarities sa kanya."'nbsp;
'nbsp;
Samantala, sinabi naman ni Ejay na hindi pa raw niya nililigawan si Queenie dahil kailangan pa raw nilang kilalanin ang isa'rsquo;t isa nang mabuti pero sinang-ayunan niya si Queenie na mas lalo pa silang nagiging close.