• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson on team-up with Kim Chiu: 'Sobra kaming masaya.'

Gerald Anderson on team-up with Kim Chiu: 'Sobra kaming masaya.'

Gerald Anderson says the controversy about him and Kim Chiu will eventually wear out and new controversies will come up.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/13/2010 10:56 AM
Gerald Anderson on team-up with Kim Chiu: 'Sobra kaming masaya.'


Isa sa mga tinalakay sa The Buzz kahapon ay ang kontrobersiya hinggil sa kung ano na ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nina Kim Chiu at Gerald Anderson matapos ang mga kontrobersyang pinagdaanan nila. Naghiwalay na nga ba ang dalawa bilang love-team at bilang couple na may "special relationship"?
'nbsp;
Sa kanyang interview noong nakaraang linggo, nilinaw ni Gerald na hindi paghihiwalayin ang kanilang love-team dahil may gagawing pelikula ang dalawa sa direksyon ni Direk Laurenti Dyogi.
'nbsp;
Magkasabay ring dumating ang dalawa sa katatapos na Star Magic Ball noong nakaraang Linggo (September 5) at nanalo pa nga sila ng Best Dressed Couple Award. Subalit laking gulat ng lahat nang pinaputok ng www.push.com.ph ang larawan na magkasabay na umalis ng event noong gabing iyon sina Bea Alonzo at Gerald. Si Kim naman daw ay naiwan kasama ang kanyang mga kabigan.
'nbsp;
Noong Biyernes, Setyembre 9, sabay na umalis sina Kim at Gerald papuntang Amerika para makibahagi sa One Kapamilya Go para sa mga TFC subscribers doon. Nagbeso ang dalawa nang magkita sa airport na tila pinasisinungalingan ang mga balitang malamig na sila sa isa'rsquo;t isa.
'nbsp;
Nilinaw rin ni Gerald na hindi totoong paghihiwalayin na ang kanilang team-up. "Hindi talaga, siyempre Kimerald'rsquo;s a love-team at ito 'lsquo;yung inalagaan namin for four years and sobra kaming masaya sa sobrang suportang binigay sa amin," ani Gerald sa panayam, habang maiksing pasasalamat lang ang nabanggit ni Kim. Sinabi rin nilang dalawa na wala raw iwanan sa kanila.
'nbsp;
Hinggil naman sa mga intrigang ikinakabit sa kanila, ang sagot ni Gerald, "Wala namang intriga na hindi matatapos, marami pa 'lsquo;yan at marami pang darating, so (we'rsquo;ll) take it one by one."